^

PSN Opinyon

Si Mayor naman!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
WALANG maisip na ibang adjective ang mga kuwago ng ORA MISMO todits kay Mayor Lito Sarmiento kundi lameduck.

Kung bakit? Aba, eh wala yatang pakialam ito kahit sinasalaula ng ibang pulitiko ang lungsod na kanyang pinamumunuan.

Tatlong boys ang nahuli sa paghahakot ng kahoy diyan sa bulubunduking lugar ng Sitio Ilas, Barangay Isidro, City of San Jose del Monte.

Natutuwa ang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil inaksiyunan nina Vice Mayor Rey San Pedro at CSJDM PNP – Supt. Pedro Ramos ang reklamo ng mga residente sa nasabing lugar. P50 million ang natimbog na mga kahoy na pinagpuputul-putol.

Sabi nga, illegal logging.

Sabi ng mga residents, matagal na nilang inirereklamo ang walang habas na pagputol ng mga puno sa kanilang lugar dahil takot sila na magaya sa Ormoc City at San Miguel, Bulacan noon late ’80’s, biglaan ang pagdausdos ng tubig kaya naman parang dagat ito sa lalim ang dahilan kalbo ang mga bulubundukin dahil sa illegal logging.

Nakatawa pa hanggang ngayon ang mga illegal loggers sa mga nabanggit na lugar. Kaya isa sa mga dahilan kung bakit ang water sa Angat Dam ay bumababa hanggang 173 metro dahil nawawala na ang mga malalaking puno na nakatutulong sa pundasyon ng mga aquifers.

Kapag ang water sa Angat Dam ay na go-down ng 166 metro tiyak na wala nang aagos na tubig sa Metro Manila at kasama todits ang Cavite City.

Matagal ng problema ng mga Dumagat ito kaya naman panay ang kanta nila kay Mayor Sarmiento pero mukhang dehins sila naririnig?

May bugok na pulitiko na nakapatong todits. Siya ang nagpapasasa sa likas-yaman ng San Jose del Monte may mga hired goons pa ang animal at nagtayo pa ng checkpoint para dehins marating ang illegal logging. Golf course ang gustong gawin sa bundok at international cockpit arena.

For information, ang Sitio Ilas ay ang makasaysayang revolutionary pathwalk na nagdurugtong sa Central Luzon at Rizal. Kaya madali sa mga rebolusyonaryo na maglakbay mula Isabela hanggang Cavite noong panahon nina General Emilio Aguinaldo.

Sa lugar na ito rin daw nagdaraan si former Prez Manuel L. Quezon kapag gustong maligo sa Sibul, San Miguel Bulacan ang tinaguriang ‘‘banyo ng Malacañang.’’

Sa ngayon mga NPA at AFP ang dumadaan todits na kung minsan ay naghahabulan pa sila at nagraratratan.

Ang checkpoint para makapunta sa Sitio Ilas ay hindi para sa mga Bulakeño kundi para sa mga taga-Rizal.

‘‘May nagagawa ba si Mayor Sarmiento sa checkpoint na iyan?’’ tanong ng kuwagong urot.

‘‘Hindi ba sa lugar na iyan ay natsismis na nakabaon ang maalamat na Yamashita Gold?’’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Kahit na wala ang Yamashita Gold sa realidad malaking pitsa pa rin ang napupunta sa pulitikong may control sa illegal logging,’’ sabi ng kuwagong Kotong cop.

Kapos sa espasyo ang Chief Kuwago sa susunod abangan natin ang kuwento mga kamote!

ANGAT DAM

BARANGAY ISIDRO

CAVITE CITY

CENTRAL LUZON

CHIEF KUWAGO

CITY OF SAN JOSE

MAYOR SARMIENTO

SITIO ILAS

YAMASHITA GOLD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with