^

PSN Opinyon

Deed of sale na walang bisa

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
ANG lupang may sukat na 149 square meters (lot 525-A), ay minana ng limang magkakapatid na sina Caring, Trining, Pining, Miling at Benny. Bago ito mapaghati-hati, namatay si Pining at Miling. Kaya ang parte ni Pining ay napunta sa kanyang tatlong anak na si Chita, Lina at Leo samantalang ang parte naman ni Miling ay napunta sa kanyang mga anak na si Doring, Francia at Ima. Samakatuwid, lumalabas na ang nag-aari ng lupa ay sina Caring (20%), Trining (20%), Benny (20%), Chita (6.6%), Lina (6.6%), Leo (6.6%), Doring (6.6%), Francia (6.6%), at Ima (6.6%).

Noong July 26, 1943, pinagbili ni Trining, Chita at Doring ang ‘‘ang bahagi ng lot 525-A kay Caring sa halagang P100. noong araw ding iyon, isinalin naman ni Caring sa isa niyang anak na si Pablo ang ‘‘bahagi ng lot 525-A’’ sa halagang P100 din. Pagkaraan, dalawa pang anak ni Caring na si Mary at Amy ang nagpatayo ng bahay sa nasabing lupa. Si Caring at ang asawa niya at isa pang anak na si Rita ay tumira sa bahay ni Mary. Ngunit noong lumipat si Pablo at pamilya nito sa bahay ni Mary, lumipat na si Mary sa bahay ni Amy.

Noong February 22, 1973, pumirma muli si Caring sa isang deed of sale na inililipat kay Amy ang buong lot 525-A sa halagang P4,500. Kaya idineklara at binayaran ni Amy ang ang real estate tax ng lupa. Sa kabilang dako, nakakuha naman si Pablo ng titulo (TCT 67780) sa buong lupa sa pamamagitan ng paggawa ng isang Extrajudicial Settlement, petsa Jan. 30, 1979 kung saan idineklara niya na ang kanyang inang si Caring at tanging tagapagmana ng lupa at siya ang tanging tagapagmana ng kanyang ina.

At noong March, 1988, nagsampa ng kaso si Pablo laban sa dalawa niyang kapatid na si Amy at Mary dahil inaangkin din at nakatira pa ang mga ito sa nasabing lupa. Hiniling ni Pablo sa Regional Trial Court (RTC) na kumpirmahin ang kanyang titulo, paalisin sina Mary at Amy, at bayaran siya ng danyos. Tama ba si Pablo?

Hindi tama si Pablo sa pagkakakuha ng titulo sa buong lupa. Kasinungalingan ang nakasaad sa Extrajudicial Settlement na ang Ina niyang si Caring ang tanging tagapagmana nito at siya ang tanging tagapagmana ni Caring. Walang bisa ang nasabing dokumento kaya inbalido rin ang TCT 67780 niya. Ngunit kahit walang bisa ang nasabing titulo may interes pa rin siya sa lot 525-A dahil sa Deed of Sale noong July 16, 1943, kung saan sinalin nina Trining, Chita at Doring kay Caring ang bahagi ng lot 525-A kay Caring at si Caring naman ay isinalin din sa kanya ang parte nito.

Kaya may-ari si Pablo ng 53.3% ng lupa na galing sa parte ni Trining at Caring (20% kada isa) at Chita at Doring (6.6% kada isa). Samakatuwid ang titulo ay dapat iisyu sa mga natiti-rang nangangari ng lot 525-A na sina Pablo (53.3%), Benny (20%), Lina (6.6%), Leo (6.6%), Francia (6.6%) at Ima (6.6%).

Ang deed of sale na pinirmahan ni Caring pabor kay Amy ay walang bisa dahil wala na siyang parte sa lupa nang ginawa ito noong February 22, 1973. Sa katunayan lahat ng anak ni Caring ay wala ng karapatan sa lupa dahil naisalin na ni Caring ang parte niya rito.

Kaya wala nang karapatan sina Amy at Mary na manatili pa sa lot 525-A (Bongalon etc. vs. Court of Appeals et. al., GR 142441, November 10, 2004)

AMY

CARING

CHITA

COURT OF APPEALS

EXTRAJUDICIAL SETTLEMENT

IMA

KAYA

LOT

LUPA

PABLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with