Nagsilbing "decoy" ang dalawang ito para sa apat pang mga van na lalabas sana at magdedeliver ng mga "sipa" patungo sa kanilang mga suki.
Sa paghaharap ng BITAG, ilang representatives ng custom, District Director Oscar Lazo, Joel Samodio at ang dalawang "kolokoy" na nahuli ng Task Force Anti Smuggling (TFAS), maliwanag pa sa sikat ng araw ang estilo ng pagtatakipan sa pagitan ng mga kolokoy at ng kanilang mga opisyales.
Mula kay Oscar Lazo, kumukuha ng senyales ang driver at courier sa kanilang manager na si Joel Samodio sa bawat isasagot nila sa BITAG.
Maliwanag na mayroong "paboritong grupo" ng courier at driver itong mga nasa likod ng "sipa" dahil umiikot lamang sa grupong nasabat ng TFAS at ang mga pangalang ibinigay ng aming asset ang kanilang operasyon.
Kaya naman pala protekdado at kampanteng-kampante sa pagsagot ang driver na nahuli ng BITAG dahil mayroon siyang pader na sinasandalan sa itaas.
Maging si CMEC District Director Oscar Lazo ay nahulog din sa aming BITAG ng ipagmalaki niya ang proseso sa pagsasaayos ng mga parcel at ilang mga sulat na dumadating sa CMEC.
Bukod sa mahinang seguridad, walang surveillance camera at iisa lamang ang empleyado ng custom na nakabantay dito.
Hindi rin malinaw ang trabaho ng custom representative na ito dahil base sa obserbasyon ng BITAG, limitado lamang sa pagtatatak ang kanyang trabaho
Sa pagkakasiwalat ng BITAG sa bulok na modus na ito, inaasahan naming magpapatuloy pa rin ang estilong modus na itinatanggi ni Oscar Lazo na matagal na raw nahinto sa CMEC.
Isa lamang ang nakikita naming solusyon sa problemang ito. Bukod sa suhestiyon ni Postmaster General Dario Rama na ipahiya ang sinumang mahuhuli sa ganitong modus, dapat ding ipatupad ang "big brother system" na kinasanayan sa ibang bansa, kung saan may mga surveillance camerang nakamasid sa bawat kilos at galaw ng mga mapagsamantalang beteranong miyembro ng sindikato.