Maging kabahagi ng BITAG, maging Undercover ng Bayan
June 20, 2005 | 12:00am
NAPANOOD nitong nakaraang Sabado sa BITAG ang ginawa naming pagsagip sa ilang mga probinsyanong trabahador na pinagmamalupitan ng nagmamay-ari ng G-Spring warehouse na si Victor Chua
Nakira rin ang baluktot na asta ng bogus na guwardiyang si Leo Mariano na animoy nagmamay-ari ng kumpanya
Kasalukuyan, nasa San Jose del Monte police ang pangangalaga sa mga probinsyanong trabahador na umalis sa warehouse at uuwi na lamang sa kanilang mga probinsya
Maging ang kaukulang aksyon laban sa astig na guwardiyang si Leo Mariano dahil sa pagdadala nito ng paltik na kalibre .38 imbes na shotgun, at ilan pang mga paglabag na nakita ng San Jose del Monte police.
Pero nitong nakaraang Miyerkules lamang ay nakatanggap kami ng impormasyon mula sa ilang mapagmasid na residenteng nakatira malapit sa G-Spring warehouse.
Mukhang walang kadala-dala itong si Victor Chua maging ang astig niyang guwardiyang si Leo Mariano dahil balik na naman sila sa dati nilang gawi, ang mang-abuso at magmalupit sa ilang mga probinsyanong trabahador ng warehouse
Madali yatang makalimot itong si Victor Chua na panay ang hingi ng paumanhin noong huli kaming magkita at ang bogus na astig niyang guwardiyang si Leo Mariano
Kung may pagka-ulyanin kayong dalawa at madaling makalimot, ibahin nyo ang BITAG dahil sinisiguro naming babalikan namin kayo at sisiguraduhin naming matututo kayo.
Sa mga residente sa paligid ng G-Spring warehouse na tumawag sa BITAG, ipagpatuloy ninyo ang inyong pagmamasid. Ang mga katulad ninyo ang hinahanap namin sa BITAG.
At para sa ilang may nalalamang kakaibang uri ng modus o katiwalian, maging kabahagi ng BITAG at maging Undercover ng Bayan. Ipagbigay-alam lamang sa amin ang mahahalagang impormasyong inyong nalalaman
Hotline numbers, mag-text sa 09189346417 o tumawag sa 9328919 - 9325310. Panoorin mula Lunes hanggang Biyernes, 9:00 10:30 am, Bahala si Tulfo sa UNTV 37, simulcast mula 9:00 10:00 am sa DZME 1530 kHz.
Nakira rin ang baluktot na asta ng bogus na guwardiyang si Leo Mariano na animoy nagmamay-ari ng kumpanya
Kasalukuyan, nasa San Jose del Monte police ang pangangalaga sa mga probinsyanong trabahador na umalis sa warehouse at uuwi na lamang sa kanilang mga probinsya
Maging ang kaukulang aksyon laban sa astig na guwardiyang si Leo Mariano dahil sa pagdadala nito ng paltik na kalibre .38 imbes na shotgun, at ilan pang mga paglabag na nakita ng San Jose del Monte police.
Pero nitong nakaraang Miyerkules lamang ay nakatanggap kami ng impormasyon mula sa ilang mapagmasid na residenteng nakatira malapit sa G-Spring warehouse.
Mukhang walang kadala-dala itong si Victor Chua maging ang astig niyang guwardiyang si Leo Mariano dahil balik na naman sila sa dati nilang gawi, ang mang-abuso at magmalupit sa ilang mga probinsyanong trabahador ng warehouse
Madali yatang makalimot itong si Victor Chua na panay ang hingi ng paumanhin noong huli kaming magkita at ang bogus na astig niyang guwardiyang si Leo Mariano
Kung may pagka-ulyanin kayong dalawa at madaling makalimot, ibahin nyo ang BITAG dahil sinisiguro naming babalikan namin kayo at sisiguraduhin naming matututo kayo.
Sa mga residente sa paligid ng G-Spring warehouse na tumawag sa BITAG, ipagpatuloy ninyo ang inyong pagmamasid. Ang mga katulad ninyo ang hinahanap namin sa BITAG.
At para sa ilang may nalalamang kakaibang uri ng modus o katiwalian, maging kabahagi ng BITAG at maging Undercover ng Bayan. Ipagbigay-alam lamang sa amin ang mahahalagang impormasyong inyong nalalaman
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest