Si Apollo Constantino ng Calamba, Laguna ay dance instructor pero sa kanyang osteoarthritis ay hindi na siya makapag-ballroom dancing. Kung kani-kaninong doktor siya nagpatingin. May nagpayo sa kanya na operahan ang tuhod niya at kayurin ang prostate niya. Mahal ang sisingilin kay Apollo. Isang kaibigan ang tumulong sa kanya at kinontak si Dr. Orteza sa tel. 438-7678 at 0917-9191660 at agad na sumailalim si Apollo sa therapy at ngayon ay nakapagsasayaw siyang muli.
Diabetic si Ed Abrogar, 57, ng Santa Maria, Bulacan. Matagal siyang pinahirapan ng pananakit at pamumulikat ng kanyang tuhod at paa. Nangitim at nagkasugat ang paa niya kaya pinayuhan siya na putulin ang kanyang paa. Nakaiskedyul na siyang ma-amputate pero isang kaibigan ang nagdala sa kanya kay Dr. Orteza. Makaraan ng ilang session ay bumuti-buti na ang pakiramdam at labis ang tuwa niya nang sabihin ni Dr. Orteza na hindi puputulin ang kanyang paa. Patuloy pa rin ang pagte-therapy niya hanggang sa tuluyan niyang paggaling.