P 27-B bawat taon hatian sa jueteng
June 14, 2005 | 12:00am
ANI Dagupan-Lingayen Archbishop Oscar Cruz lumala ang jueteng nang P13-bilyong raket kada taon sa panahon ni President Arroyo. Sisiw yan sa saliksik ni dating police colonel Wally Sombero mula pa nung panahon ni President Estrada. Ani Sombero sa "The Truth about Jueteng," ang taunang kabig sa jueteng ay P27 bilyon.
Nasa PNP-Criminal Investigation and Detection Group si Sombero nang simulan ang saliksik. Nabatid niyang sa 27 probinsiya sa Luzon, 12 ay jueteng-free: Batanes, Kalinga, Apayao, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Romblon, Marinduque, Mindoro Occidental, Palawan, Masbate, Catanduanes. Hindi sa walang vice lord at pulis o politikong protektor. May iba lang ngang pasugal: Video-karera, tupada, at simpleng Last-2 na halaw sa official lotto draws o score sa professional basketball games. Ani Sombero, "hindi lang kasi marunong mag-jueteng ang mga taga-roon."
Sa 15 pang iba, libangan na ang jueteng simula panahon ng Kastila. Nanganak na ito ng sindikato ng labis 200,000 financier, kabo, kolektor, rebisador, banka, protektor, fixer at bagmen. Kumikita sila sa arawang taya ng mahigit 4 milyong sugarol.
Pa-25¢ lang o P1 ang karaniwang taya, pero may mga nag-aalaga ng numerong "rambol" kaya umaabot sa P5-P10 kada draw ang hatag. May naglalaro nang "paki" o utang na lingguhan kung bayaran. Lahat hangad ang jackpot na P900 kada P1, o kaya P1,800 kung "pompiyang" o bihirang isang numero lang ang kombinasyon.
Umaabot sa P75 milyon ang arawang hamig sa Luzon, ani Sombero, o P2 bilyon kada buwan at P27 bilyon kada taon. Ang "laban" o hatian ay 65:35. Ang bultoy sa financier bilang tubo, pangsuweldo sa rebisador at banka, at pambayad-panalo. Ang labi ay sa "nacional" at lokal na protektor, fixer, at komisyon ng kabo at kolektor.
Lumalabas na P26 milyon kada araw (P800 milyon kada buwan, P10 bilyon kada taon) ang suhol. At P49 milyon kada araw (P1.2 bilyon kada buwan, P17 bilyon kada taon) ang dagdag pang huthot sa masa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest