^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Gamot sa Pinas isa sa pinakamahal sa mundo

-
KAWAWA ang mahihirap sa Pilipinas sapagkat apektado nang walang katapusang pagtataas ng mga pangunahing bilihin. Kapag tumaas ang petroleum products kasamang tataas ang mga pangunahing bilihin na gaya ng bigas, sardinas, asukal, noodles, isda at marami pang iba. Sa susunod na taon, marami pa ang iiyak sapagkat magkakabisa ang ipinataw na dagdag sa value added tax. Kawawa ang mga may maliliit na suweldo sapagkat pilit pagkakasyahin para lang makatawid sa buhay. At sa lahat ng mga pagtitiis na ito, wala namang masabi si President Arroyo kundi nararamdaman din daw niya ang nararamdamang sakit ng mga Pilipino. Totoo kaya ito?

At ngayon ay nakagigimbal malaman na pati gamot sa botika ay nagtaasan na rin. Hindi naman puwedeng sabihing bawal magkasakit sa panahong ito ay nagkalat ang kung anu-anong mikrobyo, dengue, malaria, leptospirosis, Hepa-B at marami pang sakit na ang mahihirap ang laging tinatamaan. At ngayong nagtaasan ang presyo ng gamot lalong kaawa-awa ang mahihirap. Baka mamatay na hindi makainom ng gamot. Sa maniwala at sa hindi maski ang gamot sa pananakit ng ulo ay mataas na ang halaga. Sobra na ang mahal ng mga gamot na hindi na kayang abutin ng mamamayan.

At walang dapat kumilos sa nangyayaring pagtataas ng mga gamot kundi ang bagong secretary ng Department of Health (DOH). Nararapat niyang basagin ang mga tinataguriang "drug lords" na pumipiga sa bulsa ng mamamayan. Sinabi ng Health Alliance for Democracy (HEAD), isang cause-oriented group na kinabibilangan ng mga doctors, nurses at iba pang health care professionals na ang mga pharmaceutical industry cartel ang komukontrol sa mga presyo ng gamot kaya sobra ang taas. Idinidikta ng mga malalaking drug companies at multinational corporations ang presyo ng gamot kaya parang lobo ang presyo kahit nga ang karaniwang gamot lamang sa sakit ng ulo.

Ang paglobo ng presyo ng mga gamot sa botika ay natuklasan naman sa ginawang hearing ng House Committee on Trade. Nagpakita ng ebidensiya si Rep. Ferjenel Biron at kagimbal-gimbal malaman na mas hamak na mura ang mga gamot sa India kaysa sa Pilipinas. Ginawang sampol ang gamot ng Novac, isang hypertensive drug. Sa India ito ay nagkakahalaga lamang ng P7.80 pero dito sa Pilipinas ay P70 bawat isa. Ang gamot na Ponstan ay P1.80 sa India samantalang sa Pilipinas ay P11.50 bawat isa.

Paano pa makabibili ng gamot ang mga mahihirap? Dapat kumilos ang DOH sa nangyayaring ito. Basagin ang drug cartel na nagiging dahilan kaya mahal ang mga gamot.

BASAGIN

DEPARTMENT OF HEALTH

FERJENEL BIRON

GAMOT

HEALTH ALLIANCE

HOUSE COMMITTEE

PILIPINAS

PRESIDENT ARROYO

SA INDIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with