^

PSN Opinyon

Walang ibang nasasaktan sa mga isyung naglalabasan kundi ang mamamayan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
DAHAN-DAHANG lumilinaw nitong nagdaang mga araw na ang jueteng probe ng Senado ay isang sangkap ng destabilization para patalsikin si President Arroyo. Kung anu-anong akusasyon na kasi ang ibinabato kay GMA na kung susuriing maigi ay wala namang katuturan at panay hearsay o demolition job lang at maraming prominenteng tao na ang tinamaan. Ang tiyak nito, hindi hininto ang pagbubulgar ng kung anu-anong katiwalian sa ating gobyerno hanggang makamtan ng nasa likod ng mga pakanang ito ang kanilang layunin, di ba mga suki? Hanggang sa ngayon, naguguluhan pa ang sambayanan sa isyu ng jueteng at ang tape na umano’y nandaya si GMA noong nakaraang elections. Marami na rin ang galit subalit ayaw nilang umaklas dahil sawa na sila sa gulo. Kung may nagre-recruit na sa hanay ng mga sundalo, aba, huwag tayong kumurap mga suki at baka magulantang na lang tayo sa developments sa mga kasong ito. He-he-he! Sasali kaya ang mahihirap?

Buong pagyayabang ni Dagupan-Lingayen Archbishop Oscar Cruz sa kapabilidad ng bagong witness niya na si Richard Garcia subalit lumabas na tsismis din ang lakad niya. Tulad ng unang witness na si Wilfredo "Boy" Mayor, wala ring ipinakitang solidong ebidensiya si Garcia, na umano’y "hi-lo" financier sa Pasay City noong ’90s. Maaring may laman ang sinasabi ni Garcia pero paano naman niya patutunayan na talagang tumanggap ng pera ang mga taong binanggit niya tulad ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo? At ang mga pulis na binanggit ni Garcia ay pumiyok na at siyempre, wala namang umamin sa kanila. Kaya kung marami pang bombshell na ibabagsak si Archbishop Cruz, marami ang nagsasabing dud din ang mga ito at walang iniwan doon sa tinuran nina Mayor at Garcia. Ang kailangan ng sambayanan sa ngayon kasi ay matibay na ebidensiya para umalsa sila at patalsikin nga si GMA sa trono ng bansa. Eh kung panay daldal o laway lang ang binubuga ng kanyon ni Cruz, aba, hindi kuntento riyan ang sambayanan. He-he-he! Ano bali, tsismis lang papatulan?

At alam din ng nasa likod nitong Senate probe sa jueteng na hindi nila nakukumbinsi ang sambayanan na umalsa sa jueteng issue kaya’t nagpalabas pa sila ng isang ebidensiya, ang isang tape conversation ni GMA at Comelec official tungkol sa ginawang pandaraya noong nakaraang elections. Pero kung sa jueteng issue, nagulantang nila ang Palasyo, dito sa tape na ilalabas ay naunahan sila ni Press Sec. Ignacio Bunye. Maagang nagpaliwanag si Bunye at sa tingin ng maraming nakausap ko, naintindihan na ng sambayanan ang isyu kaya’t hindi na magamit ito ng mga kalaban ng gobyerno para lalong sirain ang imahe ni GMA nga. Kung sabagay, sino ba namang sira-ulo ang makikipag-usap sa telepono kung ganoon kasensitibo ang pinag-uusapan? Parang ibinibitay mo ang sarili mo, di ba mga suki? At sa tingin ko, hindi naman ganyan ka-careless si GMA dahil nakataya rito ang kanyang liderato. Kaya pag nagkataon, dud din ang tape laban kay GMA tulad ng jueteng issue, di ba mga suki?

Kung sabagay, masyadong maaga pa para husgahan ang destabilization plot laban kay GMA. Pero ang sambayanan, ayaw nang pagamit ng mga ’yan sa pulitikang hakbangin ng iilan dahil sila naman ang nasasaktan o nalalagasan. ’Wag kumurap! Abangan!

ARCHBISHOP CRUZ

DAGUPAN-LINGAYEN ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

GARCIA

GMA

IGNACIO BUNYE

KAYA

KUNG

MIKEY ARROYO

PAMPANGA REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with