"COL. YOLANDA TANIGUE, HUWAG KANG MAGPAGAMIT!"
June 6, 2005 | 12:00am
TUMAWAG SA AKIN SI RAMON "MON" TULFO, usok na usok sa galit dahil hinuli daw si Katsiaryna "Katti" Aleinik Colet, 23, na taga Minsk, Belarus ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Si Katti ay inaresto habang uma-attend ng hearing ng kaso sa sala ni Judge Philip Aguinaldo sa Muntinlupa tungkol sa Protection Order ng dumating ang mga tauhan ng CIDG.
Ayon na rin kay Alin Ferrer, reporter namin sa telebisyon, ang gusto pa raw nitong si Bobby ay hulihin si Katti bago maghearing na sinet ni Judge Aguinaldo para hindi maka-attend ito. Kung di daw pwede yun, hulihin habang naghehearing sa loob mismo ng sala ni Judge Aguinaldo. Ang ginawa ng mga taga CIDG hinuli na lang matapos ang hearing.
Sayang, sana hinuli nila habang naghehearing para na Contempt of Court kayong lahat dyan!
Matatandaan na itong si Katti ay una nang tinulungan ni kaibigang Mon sa kanyang programa sa telebisyon, "Ang Isumbong Mo kay Tulfo" kung saan ako ang director ng naturang show.
Naisulat ko rin dito sa "CALVENTO FILES" ang storya nitong si Katti at kung paano niya nireklamo ang kanyang asawa na si Baldomero "Bobby" Colet, isa diumanong mediaman (daw?), dahil sa kanyang pananakit.
Ayon kay Katti at sa kanyang abogado, siya daw ay isang "battered wife."
Mas ginusto ni Katti na mamalagi sa The Haven ng Department of Social Welfare and Development keysa makisama pa dito kay Bobby.
Lumabas na itong si Katti sa The Haven at ngayon ay nilalabanan through legal means ang mga panghaharass ng kanyang asawa.
Ito namang si Bobby, hindi ko maintindihan kung bakit pinagsisiksikan pa ang kanyang sarili gayung ayaw na sa kanya nitong si Katti.
Aba, kung ayaw na sa yo ng isang babae, bakit mo ibaba at ipipilit ang iyong sarili? Maghanap ka na lang ng iba pare ko.
Subalit, iba itong si Bobby. Nung Huwebes, sa bisa ng isang Warrant of Arrest mula sa isang RTC sa Biñan, Laguna, hinuli si Katti ng mga agents ng CIDG, DSOD.
Paano nalabasan ng warrant si Katti for Frustrated Parricide gayung hindi naman siya nabigyan man lang ng subpoena mula sa korte? Simple lang mga kaibigan. Ang mga subpoena na ipinadadala sa kanya ay sa dati nilang address ni Bobby bumabagsak, gayung nasa protective custody na itong si Katti ng The Haven. Lumang style na yan. Mabaho na yan. Bulok na yan.
Ipinarating din sa akin ni Mon na ang nag-utos na humuli dito kay Katti ay itong si Senior Superintendent Yolanda Tanigue, hepe ng Women and Children Concerns Division ng DIDM.
Teka nga muna. Itong si Col. Tanigue ay isa sa mga tumayong ninang sa kasal nitong sina Bobby at Katti kasama pa ang mga iba pang prominenteng tao katulad ni Chavit Singson, Gen. Cris Maralit, NBI-NCR Director Edmund Arugay, Imelda Papin at marami pang iba.
Naikwento na rin sa amin nitong si Katti na sa harap mismo na kanilang ninang, si Col. Tanigue, hepe ng isang division ng CIDG, kung saan pinangangalagaan ang karapatan ng mga babae at mga bata. Anong klaseng hepe ka, Col. Tanigue kung hinahayaan mong sampalin sa iyong harapan ang isang babae na dapat sanang ipinagtatanggol mo. Trabaho mo yan at inaanak mo pa yung babae! Anong klaseng ninang ka?!? Sayang, nominated ka pa man din para sa Top Outstanding Policewoman of the Year na sponsored ng ZONTA. Hindi ka deserving na ma-nominate.
Alam mo ang problema nila Bobby at Katti dahil kinausap ka na ni Mon tungkol dito. Pero anong ginawa nitong opisyal na ito? Siya pa ang nag-utos ng pag aresto kay Katti, Sabihin na natin na may warrant nga itong si Katti, hindi bat out of delicadeza (kung meron ka nga nito) hindi ka na sana nakialam dahil inaanak mo sila pareho?
Nakausap ko rin si Chief Inspector Sotera Macatangay ng WACCO at galit ito ng sabihin sa akin na ngayon naghuhugas kamay daw itong si Col. Tanigue sa pagkadakip kay Katti.
"Pinapunta niya yung duty officer namin na hawak na ni Col. Tanigue yung warrant at nandun sa opisina niya si Bobby Colet. Siya nakakaalam ng background nitong kasong ito, dapat siya ang umunawa dahil kawawa rin naman yung babae. Tapos kami pa ang ituturo niya," mariing sinabi ni Major Macatangay.
Col. Tanigue, MAGRESIGN ka na sa pwesto mo! Hindi ka bagay dyan!
Si Bobby Colet ay mahilig gamitin ang kanyang impluwensya para makakuha ng favors mula sa mga taong may katungkulan. Mismong si Director Edmund Arugay Regional Director ng NBI-NCR ay isinusuka na ito.
Sabi ni Edmund sa akin, "Manong, ang dami ngang mis-call sa akin nyang si Bobby at hindi ko pinapansin. Mahilig kasing manghatak ng tao tapos mapapahamak lang kami!"
Sa ngayon ay nakakulong pa si Katti sa Camp Crame dahil sa Frustrated Parricide case na ifinile nitong si Bobby. Grabe din itong si Bobby. Ayon kay Katti, binubugbog siya nito ng sinubukan lang niyang ipagtanggol lamang ang kanyang sarili kaya nasugatan si Bobby, tapos may gana pa itong si lalake na siya ang kasuhan ng Frustrated Parricide!
Ngayong araw na ito, susubukan magpiyansa itong si Katti.
Ang laki rin ng bail recommended ng Judge. TWO HUNDRED THOUSAND PESOS (P200,000). Saan naman kukuha si Katti ng ganitong halaga.
God is good kayat nasisiguro ko na sa tulong ng mabubuting tao, mailalabas itong si Katti mula sa Camp Crame.
Ang ating gobierno, maski na tayong mga Pilipino ay nadidismaya, nagagalit at umaalma kung isang Pilipino ay nakukulong sa ibang bansa para sa isang kaso na wala naman siyang kasalanan, paano naman ito kung ang isang banyaga sa ating bayan ay mukhang napagkakaisahan ng kapwa nating Pilipino?
PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS MAARI KAYONG MAGTEXT SA 09213263166. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.
Minsan pa nais kong papurihan ang mga tauhan ng Land Registration Authority (LRA) sa pamumuno ni Administrator Benedicto Ulep at Deputy Administrator Edilberto Feliciano.
Salamat kina Gina Gaskel-Ortile, Aileen Coritana para sa kanilang walang pagod na pagtulong sa mga kasong idinudulog dyan sa LRA. These two lovely ladies have gone out of their way to accommodate complaints of poor farmers who have been oppressed and eased out of their lands.
Mabuhay kayo dyan sa LRA.
Email address: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Bening Batuigas | 13 hours ago
By Ellen Fernando | 13 hours ago
By Sen. Win Gatchalian | 1 day ago
Recommended