Ang huli nga, ang pagtulong sa pagpapagaling ng maysakit, ang isinagawa ng aming samahang AKKAPKA-CANV sa Alabat, Quezon noong Mayo 31. Sa tulong ng wholistic therapist at lisensiyado ng Department of Health (DOH) na si Gng. Myrna Belen, naisaganap namin para sa taong ito ang medical mission, o libreng pagkunsulta at pagpapagamot, sa naturang bayan.
Sa pamamagitan ng alternatibong kaparaanan ng pagpapagaling, ang mga maysakit na walang ibayad sa doktor ay nabigyan ng pagkakataon upang magkaroon ng kalunasan ang kanilang mga sakit sa katawan, ganoon din ang magkaroon ng impormasyon sa mga wastong kaparaanan ng pag-aalaga ng sariling katawan at pagpapagaling ng karamdaman na ang gamit ay ang mga tradisyonal o alternatibong therapy.
Ang naturang medical mission ay naisaganap sa pamamagitan din ng tulong ng aming mga therapists na sina Reniel Aquino, Willy Manaog, Yollie Quilbio, Rose Caparros, Felix Villanueva at ng aming Director na si Dr. Tess Ramiro. Umalalay din sina Lito Magat, Sanny Tuazon, Margie Roldan, Carmen Enriquez, Cleo Ursolino, Etchie Aceron at Lydia Olivera.
Nais ko ring banggitin na ang alternatibo at tradisyonal na kaparaanan ng pagpapagaling ay sinuportahan at lumawig sa panahon ng panunungkulan ng dating Kalihim ng DOH na si Dr. Manuel Dayrit. Umaasa kami na ang kasalukuyang Kalihim ng Kalusugan, Dr. Francisco Duque III, ay susuporta rin sa ganitong kaparaanan ng pagpapagaling bilang pagsaalang-alang sa mga higit na nakararami nating mga kababayan na mahihirap na walang pambayad sa mga doktor at sa mga mamahaling gamot sa mga botika.
Si Gng. Myrna Belen ay matatawagan sa tel. no. (02)7466984 o sa cp # 09167011231.