^

PSN Opinyon

Ang tunay na 'impostor' sa PHILCOMSAT

- Al G. Pedroche -
CONCERNED tayo sa Philippine Communications Satellite Corp. (PHILCOMSAT) dahil may sosyo ang taumbayan dito. Matagal na ang power struggle sa kompanya at hangga ngayo’y di pa nareresolba. Kasi may mga gustong umagaw ng kapangyarihan. Siguro para gawing gatasan ang kompanya.

Kawawa ang presidente ng PHILCOMSAT na si Victor Africa. Hinahataw ng mga kasinungalingan ng government nominee sa board na si Manuel Andal. Sinasabing ilegal ang panunungkulan ni Africa. Kung susuriin, tila si Mr. Andal pa nga ang may usurpation of functions. Nagpakilala siyang treasurer ng kompanya gayung ang opisyal na tesorero ay si Katrina Ponce Enrile. Nagpalabas ng mga press release si Andal laban kay Africa dahil gustong maibalik sa poder ang dating grupo ni Manuel Nieto Jr. Obviously, the group wants to wrest control of PHILCOMSAT and its parent company, the Philippines Overseas Telecommunications Corp. (POTC). Napilitan si Africa na ireklamo si Andal at ang una’y nag-execute ng affidavit sa Makati prosecutor’s office para pasinungalingan si Andal.

Heto ang ilang pagsisinungaling ni Andal. Aniya di-awtorisado ang pulong ng minority stockholders ng PHILCOMSAT noong Sept. 22, 2000 upang ihalal ang mga direktor at opisyal ng kompanya. Imposible. Ang PHILCOMSAT ay 100 percent na pag-aari ng POTC ay walang minority stockholders taliwas sa claim ni Andal. Hirit pa ni Andal, naging direktor at opisyal si Africa sa kinukuwestyong pulong. Ang totoo, naging presidente si Africa noong May 2000 matapos magbitiw sa posisyong ito si Carmelo Africa, ang government nominee noon.

Lumabag daw ang pulong sa TRO ng Korte Suprema kaugnay ng isang petisyon ng PCGG. Pero hindi nilinaw ni Andal na ang TRO ay pagbabawal lang sa kautusan ng Sandiganbayan at hindi pumipigil sa pagdaraos ng pulong ng POTC at Philcomsat. Ito’y tulad ng paglilinaw mismo ng PCGG sa sulat nito noong Nobyembre 19, 2000. The fact is, dumalo ang mga kinatawan ng PCGG sa Sept. 22 meeting upang bumoto para sa shares ng pamahalaan. Paano magiging ilegal iyan?

Sandamakmak ang mga palsong akusasyon ni Andal. Ang puntos lang natin ay pumanig sa tama dahil habang nagtatagal ang usapin, pera ng bayan ang naaapektuhan. Perang kailangang-kailangan para sa mga programa sa kapakanan ng bayan. Sa limitasyon ng espasyo, ituloy natin sa Lunes ang paksang ito.

AFRICA

ANDAL

CARMELO AFRICA

KATRINA PONCE ENRILE

KORTE SUPREMA

MANUEL ANDAL

MANUEL NIETO JR.

MR. ANDAL

PHILIPPINE COMMUNICATIONS SATELLITE CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with