Huwag ipabunot ang sirang ngipin
June 3, 2005 | 12:00am
MARAMI ang may problema sa pustiso. Isang ginang ang nagtapat na malaki ang pagsisisi niya na ipinabunot lahat ng ngipin at pinalitan ng pustiso. Ayon kay misis, tamad siyang magsipilyo dahil abala siya sa pag-aalaga sa mga anak at sa mga gawaing-bahay. Matagal din siyang pinahirapan ng kanyang sirang mga ngipin. Halos ihampas niya sa pader ang kanyang ulo kapag sumasakit ang mga ngipin niya kaya para matapos na ang kanyang kalbaryo, nagpasya siyang magpapustiso.
Matagal din siyang naghirap habang pinapabunot isa-isa ang mga ngipin at kahit wala namang sira ay pinabunot niya para sa kanyang false teeth. Laki ng pagsisisi niya at panghihinayang nang mabasa sa kolum na ito ang pinsalang dulot ng walang pakundangang pagbunot ng ngipin at ang pahayag ng orthodentist at TMJ specialist na si Dr. Noel Velasco. Sabi ni Dr. Velasco, kahit anong sira ng ngipin ay puwedeng hindi bunutin at itoy magagamot at maaayos.
Problema talaga ang pustiso. Bukod sa bumabaho ay lumuluwang paglipas ng mga buwan at taon, kaya napipilitan muling magpagawa ng bagong pustiso. Kapag hindi mapalitan ay gumagalaw at nahuhulog kapag nagsasalita o kumakain. Ang pustiso ay sanhi rin ng bad breath, TMJ dysfunction at ang tinatawag na Epules pessuration na animoy patung-patong na magang gilagid na napagkakamalang kanser sa bibig.
Sinabi ni Dr. Velasco na ang multiple extractions o ang walang pakundangang pagbunot ng mga ngipin ay dahilan din ng paghumpak ng mukha dahil sa bone resurpation. Para maiwasan ang mga nabanggit ng problema sa pustiso, ipinapayo ni Dr. Velasco na huwag magpabunot at i-save ang ngipin at magpa-implant na lang para manumbalik ang ganda, ginhawa at panlasa. Sa karagdagang kaalaman, tumawag kay Dr. Velasco sa 913-4947 at 0917-8542274.
Binabati ng BANTAY KAPWA si Dr. Velasco sa kanyang birthday ngayon. Mabuhay ka!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am