^

PSN Opinyon

Bakit napipinsala ang mga watershed?

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
ANG mga watershed ay parang palangganang geographic structure na napapaligiran ng mga bundok kung saan ang surface water ay patungo sa mga lawa, sapa, ilog at iba pang bodies of water, ay nagdadaan sa iba’t ibang uri ng pagkasira.

Ang pagguho ng lupa ang pangkaraniwang dahilan ng pagkasira ng mga watershed ngunit maituturing na pinakamatindi ito sa ibang lugar.

Alam ba ninyo na 74 hanggang 81 milyong tonelada ng lupa ang nawawala kada taon dahil sa pagguho ng lupa? At mga 63 porsiyento hanggang 77 porsiyento ng total land area sa bansa ay apektado ng soil erosion? Sa katunayan, higit sa kalahati ng lupain ng 13 sa 74 na lalawigan sa bansa ay apektado ng banayad hanggang matinding pagkaguho ng lupa.

Maliban sa soil erosion, hindi rin maitatatwa na ang laganap na pagkasira ng gubat ay isa sa marami pang dahilan ng pagkasira ng ating mga watershed. Kabilang na rito ang pangkomersiyal na gamit sa vegetation, mga pang-industriyang aktibidad tulad ng walang habas na kombersiyon ng lupa, maling gamit ng lupa at gubat at iba pa.

Dito ngayon pumapasok ang Water Resource Development Project-Watershed Management Improvement Component (WRDP-WMIC) na pinapangunahan ng National Irrigation Administration. Ang WMIC ay isa sa mga limang component projects ng WRDP na ipinapatupad ng DENR.

Nilalayon ng programang ito na mailagay sa ayos ang mga watershed upang tiyakin na mapapangalagaan at maisaayos ang mga kritikal watersheds na pangunahing pinagkukunan ng tubig para sa patubig at iba pang pangangailangan.

ALAM

DITO

KABILANG

LUPA

MALIBAN

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

NILALAYON

WATER RESOURCE DEVELOPMENT PROJECT-WATERSHED MANAGEMENT IMPROVEMENT COMPONENT

WATERSHED

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with