Sinabi ni Dr. Abesamis na pinakamaraming bata ang may kanser na buhat sa lymphoma o ang kanser ng mga kulane (lymph nodes). Ang kulane ay normal na laman sa katawan na lumilitaw kapag may impeksiyon. Isa pang dahilan ng pediatric oncology ay ang viral infections gaya ng Hepatitis B. Kapag ang ina ay may Hepa-B, madaling mahawa ang bata.
Ipinaliwanag ni Dr. Abesamis na may mga ipinagbubuntis pa lang ay may tama na ng naturang karamdaman dahil sa ibat ibang kemikal, radiation, gasoline exhaustion, cancer-producing substances at mga bawal na gamot (prohibitive drugs).
Ibayong pag-iingat ang ipinapayo ni Dr. Abesamis lalo na sa pagkain ng mga bata. Mahigpit siyang nagbabala na huwag pakakainin ang mga bata ng mga may food preservatives gaya ng salitre at salted foods tulad ng tuyo, daing at tinapa.
Si Dr. Abesamis ay may klinika sa East Avenue Medical Center, Delgado Memorial Hospital, Philippine Childrens Medical Center at St. Lukes Cancer Institute.