Pinababaho ng GAB ang name ni FG Mike
May 11, 2005 | 12:00am
HINDI pa nga humuhupa ang pagkasangkot ni First Gentleman Mike Arroyo sa jueteng, hetot nagigisa na naman ang pangalan niya sa koleksiyon ng intelihensiya sa pasugalan. Ang tinutukoy ko mga suki ay ang walang pakundangang pagbanggit ng mga ahente ng Games and Amusement Board na pinamumunuan ni GAB Chairman Eric Buhain sa pangalan ni FG Arroyo sa kanilang "tong" collection activities. Ayon sa mga ahente ng GAB, may karapatan silang magtaas ng "tara" o lingguhang intelihensiya dahil nakasandal sila sa likod ni FG Arroyo nga. Dapat lang sigurong kitlin na ni FG Arroyo ang kawalanghiyaan ng GAB para hindi na madagdagan ang problema niya. Dito lang nga sa jueteng eh hilong-talilong na siya, eh kung hindi niya masawata ang masamang gawain ng GAB, tiyak lalong dadapa ang popularidad ng asawa niyang si Presidente Arroyo nga. Oh ano pa ang hinihintay mo Mr. Arroyo Sir, latiguhin mo na ang GAB bago bumahong lalo ang pangalan mo sa pasugalan. He-he-he! Tiyak magugulo na naman ang utak ni Buhain, di ba mga suki?
Ang gusto kasing lingguhang intelihensiya ng GAB ni Buhain ay P10,000 kada gambling lords hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa probinsiya, anang mga kausap ko sa Western Police District. Kayat kaliwat kanan ang isinasagawang raid sa ngayon ng GAB at ang aregluhan ay doon na sa piskalya. Pero pustahan tayo mga suki, at matapos ang ala-tigre nilang mga raid eh aamo rin ang GAB ni Buhain dahil pampataas lang ng presyo ang ginagawa nila. Ang tagaturo pala ng puwesto ng pasugalan ng GAB ay ang adik na si Abe David. Kaya galit na galit ang mga gambling lords sa ngayon kay David dahil malimit silang ipinagkanulo kahit pinapakisamahan na siya. He-he-he! Ano ba ang magagawa nila eh salapi ang Diyos ni David, di ba mga suki? O, makapal lang talaga ang mukha niya?
Kaya naman hindi mapigil sa pangharibas ang taga-GAB dahil super bagyo raw sila kay FG Arroyo. Owww! Hindi lang yan. Ipinamamalita pa ng mga bataan ni Col. Saligumba, ang hepe ng GAB, na hindi sila kayang tibagin dahil maliban kay FG Arroyo may relasyon din si Buhain kay Executive Sec. Eduardo Ermita. Talaga? Aba, bagyo pala talaga si Buhain kung ang mga alipores ni Saligumba ang paniniwalaan. May katwiran din naman pala silang magyabang eh, di ba mga suki? Pero habang patuloy na nananakot at nagyayabang ang mga bata ni Saligumba, ang pangalan naman ni FG Arroyo at Sec. Ermita ang nadudungisan. At habang umaaray ang nasa kalye rito sa GAB, si GMA ang napagbuntunan ng galit ng mahihirap kaya sadsad na naman tiyak ang popularidad niya. He-he-he! Laban daw sa lahat ang GAB, tingnan natin.
Habang abala si FG Arroyo para salagin ang mga akusasyon na sangkot sila nina presidential son Rep. Mikey Arroyo at kapatid na si Rep. Iggy Arroyo sa jueteng, aba hindi na niya kailangang madamay pa sa gawain nitong GAB dahil dagdag bigat lang ito para sa kanya. Kaya nga nagpalabas ng "no take policy" si GMA ay para sabihin na hindi niya kinukunsinti ang mga nakapaligid sa kanya kung jueteng ang pag-uusapan. Ang GAB kaya ni Buhain ang susunod sa "no take policy" ni GMA? Dapat ipatawag din sa Senado si Buhain bilang witness niya sa jueteng exposé kina FG Arroyo. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended