^

PSN Opinyon

Pandagat na lespu nanghuhuli sa NAIA

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
PANG-RIPLEY’S believe it or not ang istoryang ito, basahin mo DILG Secretary Angie Reyes, Your Honor!

Nanghuli sa NAIA, sa dalawang magkakahiwalay na araw ang mga asong baboy ni Mr. Silver Swan, hindi ito ang toyong nabibili sa garapon sa mga tindahan kundi kawatan este mali kumander daw ng PNP-Maritime Command, sumbong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO.

Sa palaisdaan ang assignment ni Mr. Silver Swan pero sa mga bodega sa NAIA nawiwiling mamingwit ang mga tekamots.

Dalawang araw na silang nangbabangketa sa nasabing lugar.

Anong meron sa airport na wala sa palaisdaan?

Malalaking isda, kamote!

Ang tinarget ng mga bangketa boys ay mga kargamentong bayag, este mali bayad pala ng taxes and duties sa NAIA-Customs ng mga legitimate businessmen doing business sa paliparan.

PNP bossing Art Lomibao, take note!

Mukhang delikado ang mga kabig ni Mr. Silver Swan sa Ombudsman kasi mukhang dito sila lalagapak kapag minalas-malas ang mga kamote.

Ang mga nabingwit ni Mr. Silver Swan ay dinala sa kanilang maantot na headquarters diyan sa may palaisdaan sa Parañaque City.

Kasama kaya sa TFAS, ang grupo ni Mr. Silver Swan?

Noong unang hirit ng mga bataan ni Mr. Silver Swan dehins kasali ang TFAS sa kanilang pangbabangketa, pero sa ikalawang tirada hindi pa rin kasama ang TFAS dahil dinala muna ng mga hunghang ang L-300 sa kanilang malansang hideout.

Alanganin ang mga bataan ni Mr. Silver Swan sa pangyayari kaya ang ginawa nila para palabasing legitimate ang kanilang trabaho, tumawag ang mga kamote sa tanggapan ng TFAS para i-report na may huli silang ebak, este mali multi-million shipment pala. He-he-he!

Paging, PNP-Maritime Command bossing Reynor Gonzales, Sir. Bakit airport ang concentration ni Mr. Silver Swan?

Matapos ibangketa ang shipment noong first day of operation nina Mr. Silver Swan, isang personal computer ang hiningi ni taba para sa kanyang office.

Ano ang findings ng grupo ni Mr. Silver Swan sa first day of operation nila? Pitsa finding daw!

May ayusan bang nangyari? Kaya nga may isyu regarding personal computer, ah! Namantikaan kaya ang mga hasang nila bukod sa inaarbor na computer?

Sa ikalawang pagkakataon, gumawa ng panibagong pitsa este mali huli pala ang group ni Mr. Silver Swan, L-300 ang nakalawit nang maharang nila ito palabas ng isang warehouse sa NAIA.

Ang scenario, pareho sa unang operasyon kaya lang this time multi-million worth of expensive cellphones daw ang lulan ng van sabi ng pulpol na impormante kaya hinarang ulit ang sasakyan.

Paspas matapos makalawit ang vehicle papunta sa hideout pagdating para malaman ang laman ng van.

Limang sako ng mga cellphone boxes na walang telepono ang bumungad kina Mr. Silver Swan.

Pinagpapawisan ang singit ni Mr. Silver Swan, may resibong pinagbayaran sa NAIA BoC ang mga hinuling kahon na walang laman.

Kaya coordinate agad si Mr. Silver Swan, ang direktor ng pelikulang nilangaw sa TFAS headquarters para lumusot sa gimik na ginawa nila. Kamot yag-ba ang mga tirador.

Isang personal cellphone ng driver ng L-300 ang ninakaw ng grupo ni Mr. Silver Swan kaya ngumangawa ang una sa Chief Kuwago.

"Mukhang gustong sirain ng grupo ni Mr. Silver Swan si DILG Secretary Angie Reyes," sabi ng kuwagong magsasaging.

"Malakas ang loob nila, bahala sila!" naiinis na sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

ART LOMIBAO

CHIEF KUWAGO

KAYA

MARITIME COMMAND

MR. SILVER SWAN

MUKHANG

SECRETARY ANGIE REYES

SILVER

SWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with