^

PSN Opinyon

"Si Katsiaryna Aleinik Cole..."

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
ISANG STORYA NA TUMATALAKAY SA REKLAMO NG ISANG FOREIGNER. SIYA SI KATSIARYNA "KATTI" ALEINIK COLET. ISANG BELARUSSIAN NATIONAL NA NAGPUNTA SA ATING BANSA UPANG PAKASALAN ANG ISANG FILIPINO NA SI BALDOMERO "BOBBY" COLET.

SI BOBBY COLET DIUMANO AY ISANG MEDIAMAN AT GALING SA PROMINENTENG PAMILYA. ANG MGA COLET NG PANGASINAN.

Taong 2001 nang ang isang romance ay nagbunga mula sa isang palitan ng email sa Internet sa pamamagitan nina Katti at Bobby.

"We used web cams to talk and Bobby even introduced me to his family and it was when I started falling for him. At that time, I was working as a Sales Secretary for a German firm. I agreed to go to the Philippines. With the money I had saved up, I flew to the Philippines to meet the man I thought would be the right person for me," sabi ni Katti.

Matapos ang isang taon, nagpunta dito sa Pilipinas itong si Katti at nagkita sila ni Bobby. Nagpropose ng kasal sa kanya itong si Bobby.

"I went back home to talk with my family, resign from my job and soon I was back in the Philippines to marry Bobby. We got married in civil ceremonies officiated by a Pastor there is Cusina Española. Our sponsors included Gov. Chavit Singson, Roberto Lastimoso, Col. Yolanda Tanigue, Regional Director Edmund Arugay of the NBI,’ kwento nitong si Katti.

Si Katti nung unang mga buwan ng kanilang married life, dahil sa maganda, matangkad (5’8") ay kinuha para gumawa ng commercial. Ilan lamang dito ay ang SM, Century Tuna at Tanduay White.

Nagbunga ang kanilang pagsasama ng mabuntis itong si Katti. Dito na raw nag-umpisa ang kanyang kalbaryo.

"One time he accused me of exchanging love letters in the email. I was merely corresponding with a mutual friend and he got mad. I was in Tagaytay attending a seminar and the irony of it all, the topic was Violence Against Women. He arrived there and showed me the email and then he hit me in front of others," sa patuloy ng kwento ni Katti.

Pagkatapos ng siya ay saktan, itong si Bobby, ayon kay Katti ay magso-sorry at mangangako na hindi na niya uulitin ang lahat .Sa kagustuhan niyang maayos ang kanilang pagsasama bilang husband and wife, ginagawa daw niya diumano ang lahat to save the relationship.

"The beatings got worse. He would beat me up for no apparent reason, Even if we are only discussing political issues about Russia and Afghanistan. He would hit me in several places in my body. He would point his gun at my temple and threaten to shoot me. He would boast to me that he is a Confidential Agent of the National Bureau of Investigation," ayon kay Katti.

Nung nanganak daw siya akala niya na dahil meron ng silang baby magbabago na itong si Bobby. Subalit nagkamali daw siya diumano. Sa isang violent confrontation, nabasag ang baso na ikinasugat ng mga kamay at daliri ni Katti. Dito na niya inisip na mamamatay siya kapag hindi siya umalis ng bahay.

"I ran outside the house with my hands bleeding and my clothes all soiled with blood. I went to the guardhouse in our village in San Jose Subdivision in Sta. Rosa, Laguna. However, the guard told me that I should go back to my home. I was hysterical and crying. I neighbor passed by in a car and took pity of me," kwento ni Katti.

Sila sina Mr. and Mrs Arturo Alindada. Nang makita nila ang kalagayan nitong si Katti. Itinakbo nila ito sa ospital at ipinagamot ang kanyang mga sugat at pasa. Pagkatapos ay dinala nila itong si Katti sa "The Haven" ng DSWD sa Muntinlupa City upang bigyan ng shelter at protection.

"They admitted me in The Haven. However, in The Haven my husband would follow me and demand that I talk to him, He would even bring his gun. The people there were scared of him also because he brags of very strong connections," ayon kay Katti.

For almost a year namalagi itong si Katti sa The Haven. Ginamit daw lahat ng mga koneksyon at ginawa daw ni Bobby ang lahat para madeport siya pabalik sa Belarussia. Si Katti ay binigyan ng abogado ng The Haven na si Atty. Ana Cristal Tenorio mula sa Women’s Legal Bureau.

Nagkaroon sila ng hearing sa Bureau of Immigration and Deportation at nakakuha ng Deportation Order laban dito kay Katti. Dito na nagsulat sa maraming tao itong si Katti upang humingi ng tulong.

Nakarating ang kanyang panawagan sa programa ni Ramon Tulfo sa Channel 9, "Ang Isumbong mo Kay Tulfo" kung saan ako and Director nitong Show. Agad inaksyunan namin ang reklamo ni Katti.

Nailabas itong si Katti mula sa The Haven at inilagay sa custody ni Atty. Tenorio.

Dinala namin siya sa tanggapan ni Secretary Raul Gonzalez sa DOJ para humingi ng tulong. Naging agaran naman ang tulong na ibinigay nitong si Sec. Gonzalez. Tinawagan niya ang BID, kay Assistant Commissioner Robert Littaua at pati na rin ang tanggapan ni Sec. Dinky Soliman ng DSWD.

Nakaharap namin sina Sec. Dinky Soliman, Assistant Secretary Alice Bala at ang head ng mga Social Workers ng DSWD na si Ms. Remy Tapispisan.

Tumagal ang pakikipanayam sa kanila ng mahigit sa isa’t kalahating oras.

Katti was given a chance to be heard. Heard she was as she poured her heart out. Sinabi niya ang kanyang pangungulila na makasama ang kanyang anak na si Alexander na wala pang isang taong gulang pa lamang. Naniniwala pa rin siya sa kagandahan ng ating bansa at ang kagustuhan niyang mamalagi dito upang dito palakihin ang kanyang anak subalit ayaw na niyang magkisama sa kanyang asawa.

Naging mainit naman ang pagtanggap nitong si Sec. Soliman sa amin at nangako ito na magsasagawa siya ng isang Fact Finding team para maimbestigahan ang lahat ng mga pangyayari na bumabalot sa kasong ito.

Mga kaibigan, ang kaso ni Katti ay hindi isang domestic problem lamang. Battering of wives has now become a public crime. May mga batas tayo na ipinatutupad laban sa ganitong uri ng krimen laban sa mga babae. Ito ay dapat tugunan at harapin lalung-lalo na kung ang karapatan ng isang babae ang natatapakan.

SA ISANG MOTHER’S DAY SPECIAL EDITION ng "ISUMBONG MO KAY TULFO," BUKAS, alas sais hanggang alas siete ng gabi, Channel 9, abangan at panoorin ang kabuuan ng story nito Belarussian na si Katsiaryna Aleinik Colet.

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS MAARI KAYONG MAGTEXT SA 09213263166. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

BOBBY

DINKY SOLIMAN

DITO

ISANG

ITONG

KATTI

SI KATTI

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with