^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa mga pekeng optometrists!

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NAGLIPANA ngayon ang mga optical clinics na walang lisensiya. Ang mga pekeng optiko ang puntirya ngayon ng Optometric Association of the Philippines (OAP) sa pakikipagtulungan ng NBI at buong kapulisan.

Ang kampanya laban sa mga quack optometrists ay pinag-ibayo sa katatapos na kombensyon ng OAP na ginanap sa Maynila na dinaluhan ng libu-libong optometrists sa bansa.

Ipinaliwanag ni Dr. Fe Flores-Cataquiz, isa sa mga sumusuporta sa naturang kampanya, na ilegal ang operasyon ng mga mapagsamantala at mapagkunwaring optiko. Sinabi niya na ang Republic Act 8050 na kilala bilang Optical Law of 1995 ay gumagabay sa propesyon ng optometry. Ayon sa batas, ang kurso ng doctor of optometry ay anim na taong pag-aaral sa kolehiyo at ang may karapatan lamang na magsagawa ng eye refraction ay ang mga nagtapos ng 6-year course at pasado sa pagsusulit ng Board of Optometry. Ang lalabag sa naturang batas ay may kaparusahang hindi bababa sa isang taon at hindi lalampas sa walong taong pagkabilanggo at magbabayad ng hindi bababa sa P10,000 at hindi tataas sa P40,000. Nakasaad sa RA 8050 na ang sinumang magsasagawa ng eye refraction, magpi-prescribe ng lente o eyeglasses at iba pang gawain ng isang optometrist pero walang lisensiya ay uusigin ng batas.

Ipinabatid ng grupo nina Dr. Cataquiz na dapat makipagtulungan ang publiko at huwag tangkilikin ang mga pekeng optiko at kung may nalalamang anumang iregularidad ay tumawag sa 817-2397 ng OAP na nasa 9th Floor ng Golden Rock Bldg., Makati City at sa optical clinic ni Dr. Cataquiz sa telepono 832-9015.

AYON

BOARD OF OPTOMETRY

DR. CATAQUIZ

DR. FE FLORES-CATAQUIZ

GOLDEN ROCK BLDG

MAKATI CITY

OPTICAL LAW

OPTOMETRIC ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with