Palakpakan sina Gov. Josie, PNP Dir. Fokno at Mayors Buencamino at Alarilla
April 29, 2005 | 12:00am
INILIGPIT nina Randy Sy at Buboy Go ang kani-kanilang mga video karera sa Meycauayan at San Miguel sa Bulacan noong nakaraang Linggo. Tulad nang inaasahan mga suki, nanaig na naman ang kapakanan ng sambayanan kaysa sa bulsa nina Randy Sy at Buboy Go at mga tiwaling pulitiko at pulisya natin. Kahit huli man, dapat lang sigurong papurihan sina Bulacan Gov. Josie dela Cruz, PNP provincial director Benedicto Fokno at mga mayors na sina Eddie Alarilla at Pope Buencamino sa pagsugpo nila ng masamang bisyo sa kani-kanilang lugar. Sa ngayon, maaari nang matulog nang mahimbing ang taga-San Miguel at Meycauayan sa Bulacan dahil ang mga anak nila ay hindi nagugumon sa masamang bisyo na dulot ng video karera at maging ng droga. He-he-he! Palakpakan natin sina dela Cruz, Fokno, Buencamino at Alarilla, mga suki.
Pero alam naman natin na hindi magpapahinga sina Randy Sy at Buboy Go para ikalat ang kani-kanilang makina na iniligpit sa Bulacan. Tiyak, may lugar naman silang pagkakalatan ng kanilang ilegal na negosyo para mabawi ang kita nila sa Buacan. Ang huling balitang nakarating sa akin, ang mga iniligpit na makina nina Randy Sy at Buboy Go ay inilipat lang sa Navotas at Malabon. Isang alyas Ogie ang namamahala ng mga makina nina Randy Sy at Buboy Go sa Navotas at Malabon, anang nakausap ko sa Western Police District (WPD). Inaabot ko sa ngayon ang operasyon ni Ogie sa Navotas at Malabon para iparating sa madlang people ang kanyang ilegal na negosyo. Kakalampagin kong muli si NCRPO chief Dep. Dir. Gen. Avelino Razon Jr. para makumpiska ang mga makina ni Ogie. He-he-he! Bilang na ang mga araw mo kaibigang Ogie.
Sa totoo lang, mula nang isiwalat ko rito ang video karera nina Randy Sy at Buboy Go sa Bulacan, inulan ako ng tawag ng mga taong gusto akong kausapin. Ang masama lang, may mga kasama ako sa hanapbuhay na gumigitna pa para sa mga nabanggit na video karera operators. Talagang naka-right connect sina Randy Sy at Buboy Go kayat may katwiran silang magyabang na walang balakid sa ilegal na negosyo nila dahil sa kinang ng lingguhang intelihensiya nila. Ang panawagan ko sa ngayon mga suki ay isumbong nyo sa akin ang kinaroroonan ng video karera nina Randy Sy at Buboy Go at tingnan natin kung hanggang saan ang kayabangan nila. Kung sa Maynila, inabot ng taon bago magsara ang video karera nila dahil sa inaanak ni Mayor Lito Atienza si Randy Sy, tinitiyak ko na sa ibang mga lugar, bibitiwan sila ng mga kontak nila. Napatunayan natin yan sa Bulacan, di ba mga suki?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 13, 2025 - 12:00am