^

PSN Opinyon

Hindi kasalanan mag-isip liberal

SAPOL - Jarius Bondoc -
MAHIRAP tanggapin ang pananaw ng arsobispo ng Lipa na labag sa utos ni Kristo magkaroon ng liberal na Papa. Para na rin niyang sinabi na ang pagiging liberal mismo ay kasalanan sa Diyos. Buti sana kung ang paksa ay limitado sa pagpayag ng bagong Papa sa, halimbawa, abortion. ‘Yon ay pagpatay, na labag talaga sa Ten Commandments. Pero ang liberalisasyon sa Simbahang Katoliko ay malawak na paksa. Kasama nito ang pagpayag sa pag-aasawa ng mga pari o ang pag-ordain ng mga babaing pari – mga maaaring solusyon sa pagbagsak ng bilang ng ministro ng Simbahan. Ito ba’y labag sa turo ni Kristo?

Naging tradisyon na lamang sa Simbahan mula ikalimang siglo na manatiling single ang mga pari. Pero ang mga unang Apostoles ay may-asawa. Pati ang unang Papa, si San Pedro, ay kasal. Sa kasalukuyan may mga paring Katoliko na may-asawa ay buo ang pahintulot ng Vatican: Sila ’yung mga paring Episcopal o Lutheran o Orthodox na dati nang kasal at nag-convert sa Katolisismo.

Hindi naman nilimita ni Kristo sa lalaki ang pagpapari. Ang pinaka-batayang utos ng Diyos ay nakasaad sa Bibliya, hindi ng Vatican councils o Papal encyclicals. May mga bersikulo sa Acts of the Apostles at sa Pauline letters na tumutukoy sa mga babaeng ministro. Nand’un sina Tabitha (Acts 9:32), Lydia (Acts 16:14) at Priscilla (Acts 18:26). Sina Phoebe (Rom 16:1) at Nympha (Col 4:15) ay kinilalang mga dekano ng simbahan. Sa mga liham ni San Pablo, kapwa babae’t lalaki ang tinutukoy na mga pari.

Naging mali na ang Simbahan noon. Bago mamatay si Copernicus nu’ng 1543, in-excommunicate siya ng Vatican dahil sa pagturo na ang Mundo at iba pang planeta ay umiikot sa Araw, at hindi kabaligtaran na giit ng papa. Si Galileo, 90 taon ang lumipas, pinatahimik din ng Papa sa pagtuturo na bilog at hindi flat ang Mundo. At may Papa na hinati nu’ng siglo-15 ang Mundo sa naval powers, Portugal at Spain. Sa paglipas ng panahon, nagbabago ang paninindigan ng Simbahan sa ilang mga isyu. Darating ang araw na papayag na ito sa family planning.

ACTS OF THE APOSTLES

DIYOS

KRISTO

MUNDO

PERO

SAN PABLO

SAN PEDRO

SI GALILEO

SIMBAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with