Nang nalaman ito nina Alfonso, Ernesto at Trining, nagsampa sila ng kaso sa Regional Trial Court (RTC) para kanselahin ang anim na titulong binigay sa grupo nina Enteng at limang titulong sinalin sa grupo nina Linda. Ayon kina Alfonso, wala nang kapangyarihan pang isalin ng Bureau of Lands ang dalawang lupang titulado na sa ngalan nila dahil itoy pribado na. Kaya hiniling nila sa RTC na kanselahin ang mga titulong ginawad sa dalawang grupo.
Ayon naman sa grupo nina Enteng at Linda, hindi raw sina Alfonso ang dapat nagsampa ng kaso. Dapat daw, ang gobyerno ang nagsampa nito para isauli sa gobyerno ang nasabing lupa. Sinang-ayunan ng RTC at Court of Appeals (CA) sina Enteng at Linda. Tama ba ang RTC at CA?
MALI. Ang kasong ito ay hindi isang aksiyon upang ibalik sa gobyerno ang lot 968 at 953. Ito ay isang aksiyon para ideklarang walang bisa ang free patents sa lupang pribado na. Sa kasong panumbalikin ang lupa sa gobyerno, itinuturing na ang lupa ay public land pa. Ngunit dito, ang lupa ay pribado na at nasa pangalan nina Alfonso na nagmana nito. Kaya wala nang kapangyarihan ang Bureau of Lands na maggawad pa ng free patents para sa lupang ito. Samakatwid, sina Alfonso talaga ang ma interes at karapatang magsampa ng kaso upang mapawalang-bisa ang free patents at titulong inilabas pa ng Bureau of Lands. (Tancuntian etc. vs. Gempesaw etc., et. al G.R. 149097, October 18, 2004)