Ayon sa aking bubuwit, happy birthday kay Dra. Del Angeles ng Pasig City; Ma. Lea Ungson, Ricardo Marcos, Josella "Noneng" Caparas, Miguel Antonio Almazan at Bro. Rolly Cavinta.
Ayon sa aking bubuwit, tuluyan nang nasira ang pagsasama ng mag-asawa nang pumasok sa buhay ni Gov. ang isang beauty queen.
Na-in-love nang husto si Gov. sa chiching kaya hindi na niya pinakawalan. Siyempre nga naman, higit na mas bata ang beauty queen kaysa sa kanyang misis.
Bukod sa mas bata at mas maganda, sexy pa ang beauty queen kaysa kanyang asawa.
Kaya lang, sumobra naman yata ang naging pagtingin ni Gov. sa beauty queen sapagkat pinabayaan na ang kanyang tunay na asawa.
At hindi lang yan, pati si Gov. ay doon na rin gumagarahe.
Pero para kay Gov. na super laki ang yaman at super laki ang kinikita bawat araw, yung ginastos sa beauty queen ay barya-barya lang sa kanya.
Wala pa sa kalingkingan ng ibinibigay niya sa ilang kongresista, mayors, barangay officials at mga pulis para maprotektahan ang kanyang racket.
Siya ang kinikilalang "Godfather" sa kanilang probinsiya at maging sa kalapit pang lalawigan.
Ginamit niya ang kanyang utak. Siya ay nagpa-asembol kay Gov. upang hindi na makawala pa sa kanya.
Ano kaya ang magiging produkto?
Maganda at sexy ang chiching at si Gov. naman ay hindi naman pangit at hindi naman guwapo pero may hitsura.
Malakas daw ang appeal sapagkat siya ay Mucho Dinero.
Ayon sa aking bubuwit, nang malaman ito ng misis ni Gov., lumayas ng bansa at nagtungo sa Amerika.
Pero di nagtagal at bumalik din sa Pinas. Makikipagbalikan pa kaya siya kay Gov?
Ayon sa aking bubuwit, ang governor na may iginaraheng beauty queen ay walang iba kundi si Governor S. as in Santo-Santito.