^

PSN Opinyon

Bakla at tomboy lang ang ayaw kay Benedict

- Al G. Pedroche -
MAGANDA ang hardline stand ni Pope Benedict XVI laban sa mga pinagdedebatihang isyu laban sa kabaklaan, katomboyan, pagpapakasal ng dalawang taong pareho ang kasarian, diborsyo at abortion. Kahit mga Kristiano mula sa ibang sekta ay hindi tututol diyan.

Nagtataka lang ako kung paano niya matagumpay na maisusulong ang layuning pagkaisahin ang lahat ng Kristiyano at pakikipag-dialog sa ibang pananampalataya. Kasi, napag-alaman natin na hardcore Catholic ang bagong Pope. Handang ipaglaban ang lahat ng doktrina ng Roman Catholic Church at naninindigang ang daan patungong kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng Simbahang Katoliko Romano. Tiyak, turn off na kaagad ang ibang mananampalataya. Baka ang ibig niyang sabihin sa "pagkakaisa" ay maging Katoliko lahat ang tao sa mundo para maligtas.

Anyway,
sa ibang mga moral issues na pinaninindigan niya’y walang dudang katig tayo. Parang iginuhit na ng tadhana ang pagkakahalal ng college of cardinals kay German Cardinal Joseph Ratzinger bilang bagong Papa.

Bago ilibing ang kanyang pinalitang si Pope John Paul II kamakailan, nanguna sa funeral mass si Ratzinger sa Vatican. Ang tingin ko sa kanya’y mukhang Papa habang pinanonood ko sa telebisyon.

Biniro ko ang misis ko at sinabing, "halika rito at manood ka. May napili nang bagong Pope." "Niloloko mo naman ako eh. Ni hindi pa nga nag-uumpisa ang conclave ng mga cardinal" sagot niya.

Of course
, nagbibiro lang ako. Pero hindi ko sukat akalain na nagmistula akong propeta sa pagsasabing siya ang bagong Papa kahit pabiro.

Sabi nila’y close adviser si Ratzinger ng yumaong si JP II. Siya ang nagsilbing "dekano" ng mga cardinal sa panunungkulan ni JP II. Kaya daw madali ang pagkakahalal sa kanya ay sapagkat may habilin na raw ang pinalitan niyang Papa na siya ang hiranging susunod na Roman Pontiff.

BINIRO

CARDINAL JOSEPH RATZINGER

HANDANG

POPE BENEDICT

POPE JOHN PAUL

RATZINGER

ROMAN CATHOLIC CHURCH

ROMAN PONTIFF

SIMBAHANG KATOLIKO ROMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with