Hindi kami tutol sa pag-unlad
April 18, 2005 | 12:00am
NOONG nakaraang Miyerkules ay nasaksihan ng BITAG at ilang taga-media ang ginawang pagpatay sa mga natitirang magulang at semilya ng Vannamei sa Bonoan, Pangasinan.
Hindi sa wala kaming tiwala sa pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ngunit nagtataka lamang kami kung bakit inabot pa ng ganoon katagal gayong may order na pala ito mula kay Agriculture Secretary Yap.
Nakapagtataka ring ibang hatchery ang pinagdalhan ng BFAR sa BITAG. Dahil ugali na namin ang maging pala-duda, naisip naming may mga nakatago pang hatchery ng ipinagbabawal na Vannamei
Sigurista kami sa aming trabaho. Kayat bago pa man isagawa ang pag-aabort ng BFAR sa kanilang research, tumulak na patungong Pangasinan ang mga BITAG undercover kasama ang untouchable naming asset na anak ng isang kilalang pulitiko sa Norte.
Alam naming malaking pulitika ang nasa likod ng sabwatang ito dahil malayang nababalewala ang Fisheries Administrative Order (FAO) 207 at nabibigyan ng Special Permit ang ilan nilang business partners na pawang mga Taiwanese.
Ibig sabihin, kahit ipagbawal pa ang pagpasok ng Vannamei sa bansa at higit na pagtibayin ang FAO 207, mananatili pa ring bulok ang kanilang sistema.
Wala kaming personal na sama ng loob sa mga taong kasabwat sa sistemang ito. Hindi rin kami hadlang sa paglago ng ating aquaculture dahil alam naming isa ito sa mga industriyang tiyak na magsasalba sa lumulubog na kalagayan ng bansa.
Nararapat lamang na ilagay ang lahat sa tamang proseso dahil sa nakikita namin, kasakiman ng ilang pulitiko ang umiiral.
Hindi kami tutol sa pagpasok ng Vannamei sa bansa ngunit kinakailangan muna itong dumaan sa tamang proseso
Hotline number (0918) 9346417 / (0927) 8280973 o tumawag sa mga numero 932-53-10 at 932-89-19. Makinig sa DZME 1530 Khz, Monday-Friday, 9:00-10:00 A.M. At panoorin ang programang "Bahala si Tulfo" Monday-Friday, 9:00-10:30 a.m. sa UNTV 37.
Hindi sa wala kaming tiwala sa pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ngunit nagtataka lamang kami kung bakit inabot pa ng ganoon katagal gayong may order na pala ito mula kay Agriculture Secretary Yap.
Nakapagtataka ring ibang hatchery ang pinagdalhan ng BFAR sa BITAG. Dahil ugali na namin ang maging pala-duda, naisip naming may mga nakatago pang hatchery ng ipinagbabawal na Vannamei
Sigurista kami sa aming trabaho. Kayat bago pa man isagawa ang pag-aabort ng BFAR sa kanilang research, tumulak na patungong Pangasinan ang mga BITAG undercover kasama ang untouchable naming asset na anak ng isang kilalang pulitiko sa Norte.
Alam naming malaking pulitika ang nasa likod ng sabwatang ito dahil malayang nababalewala ang Fisheries Administrative Order (FAO) 207 at nabibigyan ng Special Permit ang ilan nilang business partners na pawang mga Taiwanese.
Ibig sabihin, kahit ipagbawal pa ang pagpasok ng Vannamei sa bansa at higit na pagtibayin ang FAO 207, mananatili pa ring bulok ang kanilang sistema.
Wala kaming personal na sama ng loob sa mga taong kasabwat sa sistemang ito. Hindi rin kami hadlang sa paglago ng ating aquaculture dahil alam naming isa ito sa mga industriyang tiyak na magsasalba sa lumulubog na kalagayan ng bansa.
Nararapat lamang na ilagay ang lahat sa tamang proseso dahil sa nakikita namin, kasakiman ng ilang pulitiko ang umiiral.
Hindi kami tutol sa pagpasok ng Vannamei sa bansa ngunit kinakailangan muna itong dumaan sa tamang proseso
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am