May bagong survey ang Pulse Asia. Lumalabas na naniniwala ang maraming taumbayan na hindi kaya ni Presidente Gloria Arroyo na pangasiwaan ang fiscal crisis sa bansa. Hindi masisisi ang bayan sa ganyang paniniwala. Ang kahirapan ay damang-dama sa kanilang nag-aalburutong sikmura. Maraming turnout ng mga bagong propesyunal sa panahon ng graduation sa mga pamantasan. Nakalulungkot na ang dumaramig bilang na ito ay dagdag lang sa bilang ng mga unemployed.
Ang payo nga kamakailan ni Sen. Manny Villar, magsipag-negosyo na lang ang mga bagong nagsisipagtapos ng kurso. The good Senator is probably talking from experience. Laki siya sa hirap at dahil sa sariling pagpupunyagi ay umasenso at naging bilyonaryo sa larangan ng real estate. Sana ngay lahat ng taoy may business acumen. Kung magkaganyan, hindi sana hilahod ang kabuhayan ng bansa. Pambihirang talento rin ang pagnenegosyo. Not everyone has that talent. At kahit gustuhin ng isang tao na magnegosyo, paano siya magsisimula kung wala naman siyang kapital?
Siguroy mangarap na lang tayo at humugot ng inspirasyon sa kokonting taong katulad ni Villar na mula sa kahirapan ay nagawang i-angat ang kabuhayan upang kilanling matagumpay ng negosyante at ngayoy politiko.