Ngunit noong 1995, hindi na umuwi si Max kay Fely at tumigil na siyang suportahan ang mga anak niya rito. Lumabas na nag-asawa pala uli si Max kay Connie at pumisan na siya dito bagamat nagpadala pa siya ng alawans sa mga anak niya kay Fely noong Oktubre hanggang Disyembre 1999. Nang tuluyang tinigil na niya ang support, nagsampa na ng reklamo si Fely upang tanggalan si Max ng lisensiya bilang abogado dahil sa pagpapakasal ng tatlong beses.
Depensa naman ni Max, ang dalawang kasal niya kay Espy at Fely ay puwersahan lang daw at di-kusang loob sa kanya. Pinakita pa niya ang desisyon ng Korte, may petsang August 21, 1998 na dineklarang walang bisa ang kasal niya kay Espy dahil sa psychological incapacity. Noong December 30, 2000, ipinawalang-bisa na rin ang kasal niya kay Fely dahil ito ay dinaan sa puwersa, pananakot at panlilinlang. Tungkol naman sa pangatlong kasal niya, hiwalay na rin daw sila ni Connie at nagsampa na siya ng kaso upang pawalang-bisa ito. Kaya hindi raw gross misconduct yung tatlong kasal niyang pumalpak. Tama ba si Max?
MALI. Malinaw na habang kasal pa siya kay Espy, nagpakasal na siya kay Fely dahil nabuntis niya ito. Ang kasal niya kay Espy ay nadeklarang walang bisa lang noong August 21, 1998 samantalang nakipisan at nagpakasal na siya kay Fely noong December 30, 2000. Ang pagpapakasal ng tatlong beses para iwanan lang ang asawat pamilya ay nakasira sa buhay ng mag-ina. Ang ginawa niya ay nagpapahina sa institusyon ng kasalan na siyang haligi ng pagbuo ng pamilya at pagpapalaki ng mga bata upang magkaroon ng matibay at matatag na bansa. (Macarrubo vs. Macarrubo, A.C. 6148 Feb. 28, 2004 SCRA 42)