^

PSN Opinyon

Inaasahan namin ang pangako ng BFAR...

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
KAHAPON ay nagdaos ng isang kilos protesta ang Tambuyog sa harap ng tanggapan ng Department of Agriculture. Ito’y bilang protesta ng grupo at ilang mga mangingisda sa pagpasok ng ipinagbabawal na Vannamei sa ating bansa…

Kamakailan ay nabanggit ko sa aking kolum na ipinatigil na ni Agriculture Secretary Yap ang research sa Vannamei sa Dagupan kung saan naroon ang kanilang hatchery.

Sa aming panayam, nangako rin si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Sarmiento na ipapasunog ang mga natitira pang semilya ng ipinagbabawal na Vannamei sa kanilang hatchery…

Alam naming nabulabog ang mga pulitiko sa likod ng kontrobersya sa pagpasok ng Vannamei sa ating bansa…

Tulad ng una kong nabanggit, malalim ang pulitika sa likod ng eksperimentong ito dahil kataka-takang sa mga ‘Taiwanese’ nai-award ang nasabing proyekto gayong wala pa namang bidding na nangyari…

Umaasa ang BITAG at Bahala si Tulfo sa mga pangakong ito. Nawa’y hindi ito tulad ng palabas ng ilang pulitiko na pamilyar na sa publiko…

Sakaling matuloy ang binitiwang pangako ni BFAR Dir. Sarmiento, mananatili pa ring nakatutok ang aming grupo sa anumang aktibidades na may kinalaman sa pagpasok at pag-aalaga ng ipinagbabawal na Vannamei sa ating bansa.
* * *
BITAG hotline nos. 932-8919 / 932-5310 at mag-text sa 09189346417. Panoorin ang "BAHALA SI TULFO" live sa UNTV 37, Simulcast DZME 1530, Monday-Friday, 9:00-10:30 ng umaga. Manood tuwing Sabado, 9:00-10:00 p.m. IBC-13, "BITAG"

AGRICULTURE SECRETARY YAP

ALAM

BAHALA

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

DAGUPAN

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DIRECTOR SARMIENTO

VANNAMEI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with