^

PSN Opinyon

Sikat na boxer, may siyotang TV newscaster

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang matulis na ngayon ang isang boksingero matapos itong sumikat?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday Sonny Casulla ng DZRH; Bokal Nathan Cruz ng Occ. Mindoro; Sis. Alou Chua, Amay Bisaya, Dr. Ildefonso Costales, Philip Tan, Lyle Corona at Lisa Senyo.
* * *
Alam n’yo bang mahilig na ngayon sa chiching ang isang boksingero matapos sumikat nang husto?

Ayon sa aking bubuwit, ngayong yumaman at sumikat na ang nasabing boksingero ay medyo nagbago na rin ang kanyang mga natitipuhang chiching.

Kung dati-rati ay mga GRO sa mga maliit na beer house ang puntirya niya, ngayon ay iba na ang tipo niyang chiching: Matalino, medyo may pagka-class at celebrity pa.

At ang pinakahuling chiching ngayon sa buhay niya ay isang TV newscaster/reporter. Siguro sa kai-interview sa kanya ay na-develop ang relasyon ng dalawa.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, hindi naman masyadong maganda ang chiching pero malakas ang appeal. Maliit lamang siya pero cute. Malakas ang sex appeal at malakas ang dating. Siya ay anchor sa isang malaking himpilan ng telebisyon.

Kilala mo siya Mr. Cito Alejandro Sir. Siya ay miyembro ng inyong pamilya. Ka-pamilya, ika nga.

Hindi kaya siya ang umubos sa lakas ng nasabing boksingero kaya humina sa kanyang huling laban?
* * *
Ayon sa aking bubuwit, may kapilyuhan din pala ang boksingero sa mga chiching. Nagpapasara siya ng beer house kasama ang ilan niyang mga kaibigan at mediamen.

Sila ay nag-iinuman, nagte-table ng mga GRO at pinagsasayaw ng hubad sa ibabaw ng mesa.

Ayon sa aking bubuwit, ang TV newscaster na chiching ngayon ng sikat na boksingero ay walang iba kundi si… Siya ay si Miss L.A. as in Los Angeles.

At ang boksingero ay walang iba kundi si… Siya ay sikat-na-sikat. Siya ay si Mr. M. as in Matulis.

vuukle comment

ALOU CHUA

AMAY BISAYA

AYON

BOKAL NATHAN CRUZ

BOKSINGERO

CHICHING

DR. ILDEFONSO COSTALES

LISA SENYO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with