^

PSN Opinyon

Multilateral Fund ng Montreal Protocol, malaking tulong sa pagsalba sa ozone layer

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
ANG P10.5 milyon na ayuda o grant assistance ng Multilateral Fund ng Montreal Protocol upang maprotektahan ang ozone layer ay naglalayon din na matulungan ang ating industriyang panserbisyo katulad ng mga iba’t ibang repair shoes, pagawaan ng refrigeration at airconditioning (RAC) at mobile air conditioning (MAC).

Bahagi ng ayudang ito ay ilalaan sa Voucher System, isang mekanismo na ginawa upang maipamahaging mabuti ang ayudad na ito. Sa paraang ito, ibibigay ng EMB-DENR ang voucher sa karapat-dapat na aplikante mula sa isang service enterprise o shop. Bibili naman ang shop ng kagamitan at kasangkapan para sa pagseserbisyo at instalasyon ng RAC at MAC systems mula sa mga suppliers na inakredit ng EMB-DENR.

Sa paraang ito, namo-monitor at naisasaayos na mabuti ang paggamit ng CFC na nakakasira sa ozone layer. Sa lumang pamamaraan kapag may sira ang isang airconditioning unit pinasisingaw na lang ang kalawakan na kapag humalo sa hangin ay nakakasira sa isang hanay sa kalawakan na nagtataglay ng manipis na konsentrasyon ng ozone molecules.

Sa pamamagitan ng bagong mga kagamitan na nakapaloob sa voucher system, maisasaayos nang mabuti ang pagre-repair ng airconditioning unit ng pagrecover sa refrigerant o CFC upang maiwasan ang pagkalat nito sa hangin.

Ang Republic Act 6969 o ng Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act ng 1990 ay saklaw din ang Chemical Control Order (CCO) para sa Ozone Depleteng Substances (ODS). Ang CCO na ni-revise at binago ayon sa Administrative Order 2004-08 ay sumasaklaw sa pagbabawal, paglimita at/o pag-regulate sa paggamit, paggawa, pag-aankat at pagbebenta ng ODS kabilang na ang CFC.

ADMINISTRATIVE ORDER

ANG REPUBLIC ACT

BAHAGI

BIBILI

CHEMICAL CONTROL ORDER

MONTREAL PROTOCOL

MULTILATERAL FUND

OZONE DEPLETENG SUBSTANCES

TOXIC SUBSTANCES AND HAZARDOUS AND NUCLEAR WASTES CONTROL ACT

VOUCHER SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with