Dahil sa layuning ito, tumanggap ang Pilipinas ng grant assistance na nagkakahalaga ng P10.5 milyon mula sa Multilateral Fund ng Montreal Protocol sa pamamagitan ng World Bank.
Ang Montreal Protocol ay kasunduan ng mga bansa na naglalayong magsagawa ng mga hakbangin na protektahan ang ozone layer. Ang ozone layer ay tulad ng isang payong na nagsisilbing pananggalang ng mundo sa mapanganib na ultraviolet radiation na nanggagaling sa araw.
Ang ayudang ito na pinangungunahan ng Philippine Ozone Desk-Philippine CFC Phase-out Plan Project Management Unit (POD-PMU) ng Environmental Management Bureau at DENR ang namamahala upang matugunan ang pangangalaga sa ozone layer sa pamamagitan ng strategic planning, policy formulation at suportang teknikal para sa pagturing ng mga proyekto, paghahanda at implementasyon na nagtataguyod upang i-phase-out ang natitirang konsumo ng chloroflourocarbon (CFC).
Ang CFC na ginagamit sa refrigeration, air conditioning, aerosol propellants at iba pa ay itinuturing na ozone depleting substance (ODS). Ibig sabihin nito, kapag nasira ang ozone layer dahil sa paggamit ng CFC, ang ozone layer ay numinipis at mas maraming UV rays ang nakakapasok sa mundo. Dahil dito nalalagay sa matinding panganib ang buhay ng mga tao at ng buong ecosystem ng mundo.