^

PSN Opinyon

Kabuhayan ng mga entertainers sa Japan, dumilim

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SINALAKAY noong isang linggo ng mga Japanese Immigration ang halos lahat ng mga omesi sa Japan kaya sangkaterbang Pinay entertainers ang nawalan ng hotraba kasi sinarado ang mga club na pinapasukan nila. Kaya ang mga Noypi na nahuli ay tiyak malungkot dahil siguradong deported sila back to the Philippines.

Nahuli kasi ng mga immigration sa Japan ang mga entertainers na nakaupo sa tabi ng mga Japanese customers na mahigpit na ipinagbabawal ng kanilang batas doon. Sabi nga, hostessing ang tawag todits.

This coming week according sa assets ng mga kuwago ng ORA MISMO, daan-daan Pinay entertainers ang uuwi sa bansa dahil sa pangyayari. Wala silang trabaho kaya wala silang gagawin sa Japan!

Ipinasara kasi ng immigration ang mga club ng kanilang mga bosyo roon. Hindi masisi ang mga kababayan natin dahil hotraba ang kailangan nila sa Japan.

Mas dapat sisihin ng ating mga kababayan ang ilang bugok na officials sa Philippine Embassy dahil mukhang wala silang ginawa kundi ang magpakaang-kaang.

‘‘Anong tulong ang ginawa ng gobyerno sa ating mga entertainers?’’ tanong ng kuwagong nanghudas sa ating mga kababayan.

‘‘Wala!’’ sagot ng kuwagong Kotong cops.

‘‘Paano ngayon ang mga unsung heroes sa Japan?’’ tanong ng kuwagong manhuhuthot.

‘‘Ayon kakanta na lang sila habang pabalik sa Pinas.’’

"Nakulong pa ba ang ibang nahuli?’’

‘‘Siyempre.’’

‘‘Kawawa naman pala ang mga entertainers natin,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Kailangang panagutan ng ilang pakaang-kaang sa gobyerno ang nangyari sa mga entertainers natin.’’

‘‘Diyan tama ka, kamote!’’

ANONG

AYON

CRAME

DIYAN

ENTERTAINERS

JAPANESE IMMIGRATION

PHILIPPINE EMBASSY

PINAY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with