^

PSN Opinyon

Top executive ng Philippine bank sa Singapore kinasuhan ng sexual harassment

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang inireklamo ng isang magandang staff ng isang Philippine bank sa Singapore ang kanyang Pilipinong manager dahil sa sexual harassment?

Ayon sa aking bubuwit, kahit may asawa na ang naturang bank employee ay pinagnasahan pa rin ng nasabing top executive.

Maganda kasi ang nasabing empleyada kaya hindi nito napigilan ang kanyang pagiging manyakis.

Dahil pumapalag ang nasabing empleyada, lalo naman yatang nacha-challenge ang manyakis na bossing.

Niyayayang kumain sa labas, manood ng sine at binigyan pa ng 50 Singaporean dollar para pambili umano ng blouse at skirt.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, sa kabila ng pagpalag ng empleyada sa mga sexual advances ng kanyang bossing, ipinagpatuloy pa rin ang pagsasamantala sa magandang empleyada. Kartada Nuebe kasi ang empleyada kaya grabe ang pagnanasa ni Sir.

Kapag walang nakakakitang empleyado, hinihipuan at hinihimas-himas niya ang empleyada.

Grabe pala ang pagka-manyakis ng bank manager na ito. Pati pala ang ibang empleyadang nagustuhan nito sa kanliang banko ay hinihila niya sa CR o kaya sa kanyang opisina at doon hinahalikan.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, dahil ayaw tantanan ng manyakis na manager ang magandang empleyada, nagsumbong siya sa kanyang mister.

Nagalit ang kanyang mister at gusto na sanang sugurin sa banko kaya lang ay napigilan ng kanyang asawa baka lalo itong magka-eskandalo lalo na at sila ay nasa ibang bansa.

Ang ginawa na lamang ng mag-asawa ay nagreklamo sa Singaporean police.

Kaagad namang nagpunta ang mga pulis sa banko at kinausap ang inireklamong manyakis na bank manager.

Hanep, magaling magdrama ang manyakis na bankero.

Sinabi pa nito sa mga pulis na maghintay lamang sila at magpapatingin lang daw siya sandali sa doktor dahil masama ang kanyang pakiramdam.

Dahil alam niyang aarestuhin, tumakas siya. Mula sa banko ay dumiretso na sa airport pabalik sa Pilipinas.

Ayon sa aking bubuwit, ang magandang bank employee na nagreklamo ng sexual harassment laban sa kanyang manager sa Singapore ay si Miss J.J.

At ang manyakis na bank manager ng isang malaking Philippine bank sa Singapore ay si…

Malakas pala ang kanyang padrino. Sinibak na siya sa bankp pero naging Undersecretary pa siya ngayon ng isang departamento ng pamahalaan.

Ang manyakis na bank manager na wanted sa Singapore ay si Vice-President and General Manager F. as in Fran2skenstein.

AYON

BANK

DAHIL

EMPLEYADA

KANYANG

KARTADA NUEBE

MANAGER

MANYAKIS

MISS J

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with