Dahas sa dahas
March 17, 2005 | 12:00am
NILUSOB din ng ating mga kapulisan ang mga Abu Sayyaf na nagwala sa loob ng kanilang piitan diyan sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig.
Ang assault ay ginawa noong Martes ng umaga pagkatapos nang mahigit isang araw na negosasyon sa pagitan ng gobyerno sa pamumuno ni DILG Secretary at dating Defense Secretary Angelo Reyes at ng mga miyembro ng Abu Sayyaf na pumatay ng limang jail guards na kanilang inagawan ng baril.
Ang total na bilang ng patay ay umabot sa 28, kasama ang limang jail guards at isang miyembro ng Special Action Force. Patay din ang tatlong sikat na kumander ng Abu Sayyaf na sina Ghalib Andang alyas Kumander Robot, Alhamzer Manatag Limbong alyas Kumander Kosovo at Nadzimi Sabdullah alyas Kumander Global. Napatay din sa sagupaan si Kair Abdul Gapar alyas Ka Lando na nagsilbing tagapagsalita ng naturang grupo sa mahigit 24 hours na siege ng kulungan.
Karapat-dapat na purihin ang mga miyembro ng Special Action Force ng PNP sa matagumpay nilang assault laban sa mga kriminal at bandidong grupo. Hindi kailanman maituturing na matitino at may prinsipyong tao ang Abu Sayyaf dahil sa kanilang gawain na atakehin ang sibilyan, manggahasa ng kababaihan, mangidnap at humingi ng ransom galing sa mga dayuhan at higit sa lahat ang mambomba na pumapatay sa mga inosenteng sibilyan.
Dahil sa dami ng napatay, tiyak marami na naman sa ating mga kababayan kasama na ang mga human rights activists at mga peace advocates kuno ang magsasabing hindi dapat nilusob ang mga teroristang Abu Sayyaf.
Marami rin ang ikakatuwiran na bakit pati si Kumander Robot na putol ang isang paa ay napatay at ibibintang ang problema sa kapulisan.
Sa labanan, hindi maiiwasang merong mamatay at matamaan ng bala. Pero ang mga katulad ni Robot na ni hindi dapat pinagamot at ginastusan ng AFP ay walang karapatang mabuhay dahil sa kanyang ginawang mga kasamaan sa mga walang kalaban-laban na mga Pilipino at mga inosenteng dayuhan na wala namang ginagawang masama sa kanila.
Ganoon din ang mga katulad nina Kosovo at Global na dahilan din ng pagkamatay ng daan-daang Pilipino sa SuperFerry 14 na kanilang pinasabog.
Kung laging itatanong ng mga human rights activists at mga peace advocates ay paano ang human rights at due process ng mga yan, ang tanong sa kanila ay binigyan ba ng due process at nirespeto ba nila ang human rights ng kanilang mga naging biktima.
Bukod sa kanilang mga naging biktima, paano pa ang mga kaanak na naiwan ng grupong ito na walang ideolohiya kung hindi manakit, gumawa ng krimen at manamantala ng kanilang kapuwa Pilipino, Kristiyano man o Muslim.
Muli, tama ang ginawa ng PNP at dapat papurihan at bigyan pa ng higit na suporta ang mga miyembro ng Special Action Force. Dapat ding tulungan ang pamilya ni PO2 Abel Areola, isa sa lumusob at napatay dahil sa mga bomba at booby trap na nilagay ng mga Abu Sayyaf.
Pero kung dapat silang papurihan, dapat tanunging maigi ang mga opisyales at tauhan ng Department of Interior and Local Government sa pamumuno ni Sec. Angelo Reyes at ang Bureau of Jail Management and Penology kung paano nakalusot ang mga baril at bomba sa loob ng kulungan.
Malinaw na lax ang kanilang security at karapat-dapat lang na parusahan ang may sala. Higit sa lahat, dapat ding pag-aralan maigi kung sapat ba ang suportang binibigay ng administrasyon sa naturang ahensiya o baka naman ang pondong nakalaan sa kanila ay naiipon sa head office at malayang naililipat sa bulsa at bank account ng mga tiwaling opisyal.
Dapat ding ipaliwanag ni Sec. Reyes bakit pinayagan pang tumagal ang negosasyon samantalang ang polisiya dapat ng ating pamahalaan ay walang negosasyon sa mga terorista.
Umpisa pa lang ng pagpatay nila ng limang guwardiya ay sapat ng dahilan para lusubin sila at lipulin.
Sana sa susunod ay huwag nang mag-atubili pang banatan ang mga grupong kagaya ng Abu Sayyaf. Kahit anong pakikipag-usap sa kanila ay hindi magbabago ang mga yan. Sila ay kriminal, bandido at terorista. Ang tanging naiintindihan nilang lengguwahe ay dahas.
Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa [email protected] o [email protected] o di kayay mag-text sa 09272654341. Mapapakinggan nyo rin po ang inyong lingkod sa MATA NG AGILA sa DZEC 1062 mula 6:15 hanggang 8:30 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended