^

PSN Opinyon

Bulok ang ngipin mo? Baka me sakit ka sa puso

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Happy 19th anniversary sa Pilipino Star NGAYON bukas.
* * *
Ayon sa pinakahuling report ng pangunahing dentista sa Columbia Medical Center sa New York ang bulok na ngipin ay sanhi ng heart disease. Sinang-ayunan naman ito ng orthodentist at TMJ specialist na si Dr. Noel Velasco na nagsabi na ang bakterya ng bulok na ngipin ay nagpapakapal ng baradong ugat na nagiging dahilan ng stroke.

Ipinahayag ni Dr. Velasco na ang ngipin na hindi naaalagaan ay madaling kapitan ng bakterya kaya ipinapayo niya ang pagsisipilyo ng ngipin sa araw at gabi. Ayon kay Dr. Velasco hindi dapat na bunutin ang ngipin kahit ito’y may butas o nasa state of decomposition o pagkabulok.

Ang mga dental clinics ni Dr. Velasco sa Metro Manila ay kumpleto ng modern facilities para maligtas ang sirang ngipin gaya ng prosesong ginagawa nila kay Marcelina Cruz na maraming sirang ngipin na sa halip na bunutin ay pinagtitiyagaan gamutin ni Dr. Velasco at ng kanyang staff of dentist.

Nagsisisi si Alfred Santos kung bakit pinabunot niya ang lahat ng ngipin niya para huwag na raw siyang mahirapan kapag sumasakit ang ngipin niya at siya’y naka-pustiso na. Sabi ni Alfred na kahit iyong ibang ngipin niya ay wala namang sira ay pinabunot din niya. Tino-tooth implant siya ngayon ni Dr. Velasco. Matatawagan si Dr. Velasco sa 9134913 at 6459308.

vuukle comment

ALFRED SANTOS

AYON

COLUMBIA MEDICAL CENTER

DR. NOEL VELASCO

DR. VELASCO

MARCELINA CRUZ

METRO MANILA

NEW YORK

NGIPIN

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with