Guwapong actor-TV host ‘berde ang dugo’

MANINIWALA ba kayong berde pala ang dugo ng isang guwapo at machong actor-TV host?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday kay Mayor Jojie Manimtim ng Talisay, Batangas; Morly Alinio ng DZRH; Tom Bandola, Wowel Baltazar ng Metrobank; Ka Oying Samson ng Antipolo City Hall; Bro. Gerry Tan at Bro. Tommy Que of Quintin Salas Mem. Lodge, Iloilo City.

Congratulations kay PMA Commandant of Cadets Brig. Gen. Pol Maligalig.
* * *
Alam n’yo bang miyembro ng federacion ang isang guwapo at machong actor-TV host?

Ayon sa aking bubuwit, matagal nang pinagdududahan ng kanyang mga kasamahan sa showbiz kung ano talaga ang tunay na kasarian ng actor na ito.

Kasi nga naman, siya ay guwapo at lalaking-lalaki kung tingnan subalit walang napabalitaang nililigawan. At mas lalo namang wala itong girlfriend.

Eh hindi naman na siya bata. Matanda na rin naman. Sayang ang gandang-lalaki mo Boy.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, dahil sa ganitong sitwasyon ng actor, siya ay nakatuwaan ng ilan niyang mga kaibigan.

Niyaya nila itong mag-good time sa isang night club na may videoke.

Noong una ay umaayaw pa ang actor-TV host subalit dahil sa katakut-takot na kantiyaw sa kanya, pumayag din.

Upang hindi mapahiya, sumama si Actor sa isang sikat na KTV. Sila ay nagtungo sa ‘‘aquarium’’ at namili ng GRO na kanilang makakapiling sa session ng carnal knowledge.

Dahil siya ang pinakasikat sa grupo, siya ang unang pinamili ng partner. Ang kanyang napili ay ang pinaka-maganda, sexy at daisy na GRO.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, sabay-sabay silang nagtake out ng GRO at sila ay sabay-sabay ding pumunta sa isang biglang liko.

Dahil sikat, guwapo at macho si actor, tuwang-tuwa ang nakuha niyang partner.

Pagdating sa motel sa Pasig City, pagpasok pa lamang ay nag-shower kaagad ang chiching.

Siguro excited siyang makaniig ang actor-TV host. Kaya lang, nagulat ang chiching matapos mag-shower sapagkat ang actor ay bihis na bihis pa rin.

Tinangkang landiin ng GRO si actor subalit pinigilan niya ito at sinabing magkuwentuhan na lamang daw sila.

Nakiusap din si actor na huwag sasabihin sa kanyang mga kasama na hindi sila nag-sex. Tumanggi sa grasya?

Ayon sa ating bubuwit, ang actor-TV host na tumanggi sa palay na matagal nang hinihinalang bading o silahis ay walang iba kundi si…

Siya ay tall, dark and handsome. Siya ay host sa isang malaking TV station.

Ano sa palagay n’yo? Bakla ba siya o silahis?

Siya ay si actor B. as in Bading.

Show comments