Ayon sa aking bubuwit, happy birthday kay Bro. Col. Willy Bonilla, Tess Gutierrez ng Metrobank; incoming BSP Gov. Amando Tetangco Jr., Engr. Felix Lumabas, Neal Cruz ng PDI at Manny Crisostomo.
Ayon sa aking bubuwit, noong March 6, 2005, dakong 10:00 a.m. sa Narita Airport, kasasakay pa lamang ng staff ni Congressman sa eroplano ng PAL flight PR 431 ay nagngangawa na ito.
Pinagalitan nito ang ilang flight attendant ng airline dahil hindi raw binibigyan ng importansiya ang kongresista.
Hanep, matindi rin itong magsipsip sa kanyang bossing. Kaya lang, napaka-tonto naman niya, sila ay galing Japan at wala sa Manila nang sumakay sa PAL ang kanyang bossing.
Anong paki-alam ng mga empleado ng PAL sa Japan kung sino siya, e hindi naman siya kilala?
Dinig na dinig ng mga pasahero nang magyabang siya na tinawagan daw niya ang anak ng may-ari ng PAL na si Mr. Bong Tan upang ireklamo ang hindi pagbibigay ng VIP treatment kay Congressman. Kaya lang, hindi raw ma-contact si Mr. Tan nang ito ay tinawagan niya sa cell phone.
Mabuti nga sa iyo. Ang yabang-yabang mo! Alam mo bang gusto ka na sanang dagukan ng aking bubuwit dahil mas mayabang ka pa kay Congressman.
Congressman, pagsabihan mo yang bata mong napaka-arrogante. Nasisira ang image mo.
Porke ba hindi sila nailagay sa Business Class ay nagagalit na ang bata mo Congressman?
Teka, ano naman kaya ang ginawa nila sa Japan? Ito bay official business o nagtirik lang kayo ng bandila ng Pilipinas sa Roponggi?
Ayon sa aking bubuwit, ang congressman na may mayabang na staff na nagalit sa mga flight attendant ng PAL dahil hindi sila na-upgrade ay si
Dagukan mo yang bata mo congressman para hindi nakakaladkad ang iyong pangalan.
Ang congressman na may mayabang na staff ay si Marcelino Nonoy Libanan ng Eastern Samar.