Isang paraan: Minsan lang maningil ang POEA para sa dami ng planong uwi ng OFW. Kung lima, magpapaluwal siya ng P500; kung sampu, P1,000. Sa airport na lang i-check kada alis. Kung ang OWWA at Philhealth fees, minsan lang kada taon ang singil, ganun din sana sa OEC.
Isa rin paraan: ipagamit ang OPCIByung express card na required ng POEA sa bawat OFWbilang sistema ng pagbayad. Italaga lahat ng bangko bilang POEA satellite office, para maiwasan ang mahabang pila doon, lalo na kung peak seasons tulad ng Pasko, Chinese New Year, Mahal na Araw o Ramadan.
Dagdag pa: Alisin na ang validation sa airport. Simpleng check lang sana na may pondo pang nakaipon ang OFW sa advanced payments ng OEC kada uwi. Kanselahin kada gamit ng OEC, tapos tatakan na lang ang boarding pass ng "cleared".
Heto pa: Sa mga unang beses pa lang paalis, obligahin ang licensed recruitment agency na magbayad ng OEC para sa OFW, at singilin na lang siya ritopero sa parehong presyo. Walang overpricing at pambabakal.
Sa pagbago ng sistema, tunay na mapapahalagahan ang OFWs bilang mga "bagong bayani". Hindi mahihirapan at mag-aaksaya ng oras sa pila. Mas ma-e-enjoy nila ang bakasyon sa piling ng pamilya lalo na sa mga umuuwi lang tuwing dalawa o tatlong taon at may dalawang linggo lang na pahinga.
Makakatipid din ang POEA sa papel at personnel. Konting cards na lang ang ipapa-imprenta, konting tao ang kailangan sa takilya. Luluwag ang POEA ground floor. Mababawasan pa ang trapik at congestion sa Metro Manila. Hindi na kailangan mag-side trip ang OFWs sa Manila head o satellite offices kung sa local banks na lang sila magbabayad.