Umaabot sa mahigit na walong libong ear, nose and throat specialists sa buong mundo ang bumubuo ng American Academy of Otalyngology-Head and Neck Surgery Inc. at isa sa mga kasapi nito ay si Dr. Gil Vicente ng St. Lukes Medical Center.
Ayon kay Dr. Vicente, isang wastong diagnosis ang kailangan sa pagsusuri ng taynga, ilong at lalamunan. Ilang importanteng isaisip ay ang tungkol sa bacterial infection na ginagamot sa pamamagitan ng antibiotics na panandaliang lunas lamang at sa mga kaso ng grabeng sinusitis itoy nangangailangan ng surgery. Isa pang problema ay ang allergy na dapat pag-aralang mabuti ng otolaryngologist dahil ibat iba ang klase nito sa bawat pasyente. Ang paggamot ng oral and injectable steroids ay pinagtutuunan ng ibayong pansin.
Sinabi ni Dr. Vicente na maraming tao, lalo na ang mga nagkakaedad na nangangailangan ng kompletong check-up ng kanilang taynga, ilong, at lalamunan at ipinapayo niya ang pag-inom ng maraming tubig iwasan ang sigarilyo, alak at kape.