^

PSN Opinyon

Tuloy ang laban ng DENR sa illegal loggers

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
MAS pinaigting pa ngayon ang kampanya laban sa illegal na pagtotroso. Malaking bahagi ng tagumpay ng DENR Task Force on Anti-Illegal Logging ay ang aktibong pagkilos ng mga opisina ng departamento sa mga rehiyon at probinsiya, at tulong na binibigay ng military, pulisya, lokal na pamahalaan, at lalo na ng mga miyembro ng komunidad na nagsisiwalat ng mga nabanggit na illegal na gawain.

Noong nakaraang linggo, nagpapatrulya sa may San Jose, Tarlac, ang grupo ng DENR at Bantay Kalikasan Task Force ng Tarlac, nakadakip ng 1,800 board feet ng ilegal na troso na nagkakahalaga ng P55,800. Ang mga troso ay iniwan ng mga hindi pa nakikilalang kalalakihan matapos silang sitahin.

Habang pabalik na ang grupo ng DENR sa kanilang base, inambush sila. Tatlong forest guard at isang volunteer ang malubhang nasugatan. Sina Forest guards Solomon Balot, Benny Transfiguracion, Salvador Principe at volunteer Florante Catacutan ay malubhang nasugatan at kasalukuyan nagpapagaling sa Tarlac Provincial Hospital.

Ang ganitong mga pangyayari ay bahagi lamang ng tungkulin ng mga empleyado ng departamento, partikular ang mga forest guards na nakikipaglaban sa mga armadong ilegal na mangangahoy. Hindi aatras ang DENR sa panganib ng ganitong kampanya. Maaaring masaktan, pero siguradong tuloy pa rin ang laban.

ANTI-ILLEGAL LOGGING

BANTAY KALIKASAN TASK FORCE

BENNY TRANSFIGURACION

FLORANTE CATACUTAN

SALVADOR PRINCIPE

SAN JOSE

SINA FOREST

SOLOMON BALOT

TARLAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with