Tunghayan ang mga pinagpala ayon sa pagkakasulat ni Mateo (Mt. 5:1-12).
Nang makita ni Jesus ang napakakapal na tao, umahon siya sa bundok. Pagkaupo niyay lumapit ang kanyang mga alagad, at silay tinuruan niya ng ganito: "Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian. Mapalad ang mga nahahapis, sapagkat aaliwin sila ng Diyos. Mapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat tatamuhin nila ang ipinangako ng Diyos. Mapalad ang mga nagmimithing makatupad sa kalooban ng Diyos, sapagkat ipagkakaloob sa kanila ang kanilang minimithi. Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos. Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos. Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ipagkakasundo, sapagkat silay ituturing ng Diyos na mga anak niya. Mapalad ang mga pinag-uusig dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.
"Mapalad kayo kapag dahil sa akiy inaalimura kayo ng mga tao, pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan. Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayon din ang ginawa ng mga tao sa mga propetang nauna sa inyo."
Ang maging maralita sa espiritu ay nangangahulugan nang ganap na pagsalalay ng sariling buhay sa Diyos. Yaong mga naghihirap o dumadanas ng pasakit ay nakakatagpo ng kanilang konsolasyon o kaluguran sa Diyos. Ang mga mabababang-loob ay yaong mga isinuko ang kanilang mga sarili sa Diyos. Hindi sila pasibo. Silay mga bukas-palad.Silay mga malikhain. Silay di-mararahas. Ang salitang "matuwid" ay may ganitong kahulugan: Isang maalab na pagnanais na makialam ang Diyos habang ang isang taoy nakikibaka sa buhay.
Bawat taoy nagnanais ng kaligayahan. Tiyak na nais ninyo ng kaligayahan. Ako rin ay nagnanais ng kaligayahan. Si Jesus ay naparito upang tuparin at ibigay ito sa ating buhay. Sinasabi niya sa atin na ang mga mayayaman, ang mga kilala, ay hindi tunay na maligaya. Yaong tunay na maligaya ay yaong mga mapagpakumbaba, mahabagin at nagtataguyod ng kapayapaan.
Ang ating Mahal na Ina ay ang perpekto o ganap na halimbawa ng mapalad o pinagpala. Dumalangin sa kanya. Tularan siya sa kanyang kababaang-loob, sa kanyang pagkabanayad, sa kanyang pasensiya.