^

PSN Opinyon

Dapat lang parangalan si Gen. Aglipay

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
HALOS anim na buwan pa lamang bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) itong si Dir. Gen. Edgar Aglipay pero abo’t langit na ang accomplishments niya. Sa ilalim ng liderato lang ni Aglipay nadisiplina ang kapulisan natin. Bumaba ang bilang ng bank robbery at kidnapping at higit sa lahat nag-iba ang mga laboratoryo ng drug syndicates sa bansa. Tiyak ko may nakalimutan pa tayo diyan, di ba mga suki? Kaya’t hindi tayo magtataka kung gagawaran ng Civil Service Commission (CSC) ng parangal na Dangal ng Bayan itong si Aglipay sa darating na mga araw dahil sa all-around administrative at operational leadership niya. Kung sabagay, inabutan na mismo ni Presidente Arroyo ng Philippine Legion of Honor with a rank of Datu itong si Aglipay noong nakaraang taon. Ang Datu ang pinakamataas na award ng gobyerno sa public service. Hindi naman masama kung masundan pa ito ng Dangal ng Bayan, di ba mga suki? He-he-he! Dapat lang parangalan ang kasipagan ni Aglipay para tularan pa siya ng iba pang public servant!

Hindi nagkamali si GMA na iatang kay Aglipay ang kampanya ng gobyerno laban sa droga. Halos dalawang taon pa lamang ang AID-SOTF subalit mukhang nagsawa na si GMA sa kape-presinta sa mga nahuling miyembro ng international drug syndicates at mga nakumpiskang shabu, raw materials at kagamitan sa paggawa ng shabu. Sa bank robbery naman ang pinakamalaking grupo na nalansag ay ’yaong Waray-Waray gang na naaktuhan sa Valenzuela City noong nakaraang buwan kung saan 12 sa kanila ang naaresto. Sa aspeto naman ng kidnapping, na-neutralize ng team ni Sr. Supt. Bobot Laciste, ng CIDG-NCR si Allan Balimbingan sa Leyte. Si Balimbingan ang No. 6 most wanted criminal ng bansa. Hindi lang ’yan! Na-rescue rin ng mga bataan ni Aglipay sina Katrina Schoof at boyfriend na si Jeffrey Cruz sa isang raid sa Las Piñas at sampung kidnapper nila ang naaresto. He-he-he! Sa maiksing panahon pa lang ’yan. Ang unang talagang programa ni Aglipay nang maupo siya noong Agosto 23 ay ang pagdisiplina sa pulisya natin sa pamamagitan ng pagtapon ng mga Tamad, Abusado, Bastos at Ayaw padisiplina (TABA) cops sa iba’t ibang sangay ng Values and Reform School.

Noong una, may pagtutol sa proyektong ito, na umani naman kinalaunan ng papuri mismo sa mga TABA cops. Naging God-centered kasi sila at lalong napalapit sa kani-kanilang pamilya at napamahal sa kanila ang kanilang trabaho. Sa ngayon, apat na opisyal ng PNP at 194 na mga enlisted personnel ang napa-graduate sa 30 araw na pagsasanay sa Subic Freeport at iba pang training school. Kasalukuyang tini-training rin ni Sr. Supt. Sammy Tucay, ng DHRDD ang 46 na pulis sa 17 regions ng bansa bilang trainors sa mga TABA cops sa kani-kanilang probinsiya. He-he-he! Mukhang matatagalan pa bago magbunga itong proyekto ni Aglipay pero mabuti’t naumpisahan na! Isama na natin sa feathers in the cap ni Aglipay ang mga reporma tulad ng pagpatayo ng mga fast lanes sa firearms at motor vehicle clearance registration. Kayong mga gunholders at kumpanya ng bus at jeepney ang magpapatunay nito. Sayang nga lang at ginagahol na ng oras itong si Aglipay. Abangan!

AGLIPAY

ALLAN BALIMBINGAN

ANG DATU

BAYAN

BOBOT LACISTE

CIVIL SERVICE COMMISSION

DANGAL

EDGAR AGLIPAY

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with