Alay sa Dumagat gagawin ngayon
January 9, 2005 | 12:00am
SA pananalasa ng sunud-sunod na bagyo nong Nobyembre 2004 sobrang apektado rin ang mga Dumagat ng Sierra Madre kaya napagkaisahan ng mga organizers ng taunang Alay Sa Dumagat sa pamumuno ng mag-asawang Dr. Rene at Amy Santos na mas maraming pagkain, gamot at damit ang ipamudmod sa mga katutubo sa gaganaping outreach program ngayong araw sa Angat Dam na nasa Hilltop ng NAPOCOR sa Norzagaray, Bulacan.
Ang Alay Sa Dumagat ay inilunsad ng yumaong Defense Secretary Alejo Santos matapos ang Second World War. Si Sec. Santos ang namuno sa mga gerilya kabilang ang mga Dumagat na nakipaglaban sa mga Hapones.
Ilan sa mga aktibo sa naturang mapagkawanggawang misyon na ginaganap tuwing 2nd Sunday of January ay ang Philippine Medical Association, APMA nina Amy Santos, Taipeh Economic and Cultural Office in Manila, La Loma Quezon City, Lions Club nina Jojo Veterbo at Dr. Tan, Bahag-hari Lions Club ng Quezon City, Retirees Activities Office, Kapalaran Lodge ng PNP Crame, Soroptomists International Philippine Region, Manila Host Club, Eusebio Sy, Kagawad Leonardo Nepomuceno at marami pang volunteer public servants kabilang ang inyong Mahal."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest