Problema ba ang cycst?

BUMABATI ako ng Malusog at Malakas na Bagong Taon sa lahat! Idinadalangin ko na sana ay maging maganda ang ating kalusugan sa taong ito.
* * *
Narito pa ang mga kasagutan ko sa mga katanungan ng readers.

Para sa katanungan ni S. Lina ng Novaliches, Quezon City: Ang pagkakaroon ng cyst ay hindi problema. Hindi mo kailangang magpaopera kung meron nito. Subalit mas makabubuti kung kumunsulta ka sa doktor tungkol dito. Kung ikaw ay may problema sa nasal polyp, maaari kang kumunsulta kay Dr. Mila Lopez o kay Dr. Cristina Lopez ng UST Hospital. Ikunsulta mo rin sa doktor ang iyong high blood pressure.

Para kay Mrs. Abrio ng Pasig City: Salamat sa pagbabasa mo ng aking column. Ang iyong sunod na pagbubuntis ay maaaring ectopic at maaari ring hindi. Ang iyong OB doctor ang magsasabi sa iyo. Artificial insemination may given you. Hindi ako sigurado kung magagawa ito sa UST Hospital subalit maaari kang sumubok sa Manila Sanitarium.

Para kay Mauro ng GMA, Cavite: Sa gulang mong 69 anyos, ang iyong problema ay ang prostate. Makabubuti kung ikukunsulta mo ito sa doktor. Mayroon kang cardiac complications at kailangan mo itong ipasuri sa isang cardiologist.

Para kay Isabel Orlanda ng Calamba, Laguna: Ang madalas na pananakit ng iyong ulo at kabilang pa ang ibang sintomas ay dapat nang ikunsulta sa isang ekspertong doktor (like the doctor from the charity service of the Philippine Heart Center). Ang mga gamot na ibinigay sa iyo ay tama subalit ang beneficial effect nito ay temporary.

Para kay N. Modera ng Padre Garcia, Batangas: Ang iyong problema sa balat ay maaaring malunasan sa pamamagitan ng paglalagay ng Lidex NGNM dalawang beses isang araw sa loob ng 10 araw. Kapag ang condition ay nagpatuloy, kailangan mo nang magpakunsulta. Ganoon pa man ang iyong skin condition ay hindi magiging sanhi ng cancer.

Show comments