Pero ang pinakapaborito at dinadagsa ng mga tao at madalas na ipakita sa telebisyon ay ang Christmas spectacle sa Policarpio, Barangay New Zaniga, Mandaluyong City. Lahat ng bahay sa Policario ay nagniningning sa sari-saring pamaskong pahiyas lalo na ang kila Norma Lim at ang asawa niyang si James Lim na nagmamay-ari ng PVL Restaurant sa Mandaluyong. Aktibo si Norma Lim sa religious and charitable activities. Oktubre pa lang ay sinisimulan na nina Norma at ng mga kapitbahay niya ang pagde-decorate. Ilang gusali rin ang ginagayakan nila. Marami rin ang nakikinabang tuwing Pasko sa Policarpio. Nagtitinda sila ng mga laruan, damit, sapatos at maraming bagay at kumikita sila ng malaki.
Maligaya sina Norma at James at kaisa-isang anak na si Paul Vincent Lim dahil ang kanilang panata tuwing Pasko sa Policarpio ay nagdudulot ng kaligayahan sa mga residente roon.