EDITORYAL Ilantad na ang mga big-time smugglers
December 5, 2004 | 12:00am
PATULOY ang smuggling at wala sa kanilang makapigil. Dagsa ang mga produkto lalot papalapit na ang Kapaskuhan. Ngayoy karaniwang mga sasakyan at prutas ang ipinapasok ng bansa. Wala nang takot kahit may kampanya ang pamahalaan.
Tinawag ni President Arroyo ang mga smugglers na economic saboteurs. Pinababagsak ng mga salot na ito ang ekonomiya ng bansa. Sila ang pumapatay ang mga local na produkto. Nang ihayag ni Mrs. Arroyo na nasa fiscal crisis ang bansa, ang mga smugglers na naman ang pinagtuunan niya ng pansin. Bilyong piso ang nawawala sa kaban ng bansa dahil sa mga smugglers. Sa halip na mapunta sa kaban ng bansa at maitustos sa pangangailangan ng taumbayan, sa mga matatakaw at tusong smugglers at kanilang mga kakutsaba sa Bureau of Customs napupunta ang malaking pera. Sila lamang ang nagpasasa. Kaya mahigpit ang kampanya ng administrasyong Arroyo laban sa mga big-time smugglers.
Pero ang nakapagtataka ay kung bakit hindi pa inihahayag ng Malacañang ang pangalan ng mga big-time smugglers. Ano pa ang hinihintay at ayaw pang irelease ang listahan ng mga economic saboteurs? Hawak na umano ng Malacañang ang listahan ng mga smugglers na nanggaling naman kay Customs Commissioner George Jereos. Ang mga nasa listahang smugglers ang nagpapasok ng asukal, bigas, bawang, gulay, fertilizer, damit, motorsiklo, kotse at marami pang iba. Ilang buwan na ang nakararaan, sinabon nina Senators Richard Gordon at Mar Roxas si Jereos dahil hindi nito nalalaman ang nangyayaring smuggling activities ng mga sasakyan sa Subic Bay Metropolitan Authority. Hiniling ng dalawang senador na ilabas ni Jereos ang mga pangalan ng mga smugglers. Nangako naman si Jereos pero nang dumating ang takdang petsa ng pagbibigay niya ng listahan sa Senado ang naibigay nito ay ang listahan pa noon. Ang hinahanap ng dalawang senador ay ang listahan ng mga big-time smugglers sa kasalukuyan. Walang naipresenta si Jereos. Maaaring ang ibinigay ni Jereos sa Malacañang ay ang listahan na ibinigay din niya noon kina Gordon at Roxas.
Maraming negosyante ang gusto nang mala- man kung sinu-sino ang mga nasa listahan ng big-time smugglers. Kung totoo raw ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga smugglers bakit kailangan pang itago o isekreto ang mga pangalan nila. Dapat ay ihayag na ang mga ito at nang makagawa na ng hakbang ang pamahalaan para sila maparusahan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest