Mga taong matatapang

Kung ilang beses nang kami ay nagbiyahe

Na ang kasama ko ay buong family

Sa hangad makita ibang Asian countries

At ang sinasakya’y airplane na malaki!

Sa bawat paglipad ay aming kasama

Ang mga piloto’t mga staff nila;

Ang mga piloto ay pawang masigla

Mga stewardess lahat masasaya!

Habang nasa aire ay aming napansin

Sila’y walang takot kahit nasa airplane;

Ang mga piloto ay nag-aannouncer

Ang mga tauhan ay nagpapakain!

Kahi’t yumuyugyog saka umuuga -—

Lalo’t may turbulence na nasasagasa;

Masamang panaho’y hindi alintana

Tuloy din sa b’yaheng walang patumangga!

Aksidente’t dusa ay di pinapansin

Ng mga piloto’t mutyang mahihinhin;

Kahi’t bumabagyo biyahe’y tuloy pa rin

Pagiwang-giwang na’y may ngiti pa mandin!

Mga pasahero ay panay ang dasal

Sana’y huwag masawi kaming mga sakay;

At sana’y wala ring hijacker na sukab

Upang makasapit sa aming nilakbay!

Sa awa ng Diyos ang mga peligro

Pawang naligtasan naming pasahero;

At saka sa ngayon ay mapagtatanto

Piloto at staff — matatapang kayo!

Katapangan ninyo ay walang katulad

Higit sa sundalong may hawak na armas;

Kagitingan ninyo’y kaiba sa lahat

Pagka’t buhay nami’y kayo ang may hawak!

Show comments