^

PSN Opinyon

Kampanya sa Linis Hangin, ilulunsad

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
NGAYONG Nobyembre ang tinaguriang Clean Air Month kaya ito ang pinakamagandang pagkakataon upang ilunsad ang kampanyang ‘‘Linis Hangin’’ ng DENR. Kinikilala natin ang tindi ng polusyon sa ating hangin lalo na sa mga malalaking lungsod gaya ng Kamaynilaan, Cebu at Baguio.

Ang ‘‘Linis Hangin’’ ay isa sa pangunahing programa ng DENR upang mabawasan ang antas ng polusyon sa hangin. Ito ay may tatlong bahagi – Bantay Tambutso para sa mga sasakyan, Bantay Tsimiya para sa mga pabrika at mga industriya at ang Bantay Sunog Basura para mahinto ang malawakang gawaing pagsunog ng basura.

Sa Lunes ilulunsad ang kampanyang ito na dadaluhan ng mga iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na katuwang ng DENR gaya ng Land Transportation Office, Department of Transportation and Communication, mga local government units, mga miyembro ng Senado at Kamara, Academe, NGOs, mga industriya, mga estudyante at iba pang mga grupong sumusuporta sa hangaring linisin ang hangin sa ating kapaligiran.

Ang Linis Hangin ang magsisilbing kabuuang kampanya upang lalong maging malawak at malakas ang suporta ng iba’t ibang sektor ng lipunan sa pagpapatupad ng Clean Air Act.

Lubhang napakaraming kailangang gawin sa ating kapaligiran na hindi makakaya lamang ng DENR, kung kaya nagpapasalamat kami sa mainit na pakikiisa at pagtulong ng mga iba’t ibang industriya, pribadong sektor, mga NGOs, academe, LGUs at ibang ahensiya. Sa sama-sama nating pagkilos marami tayong magagawa.

ANG LINIS HANGIN

BANTAY SUNOG BASURA

BANTAY TAMBUTSO

BANTAY TSIMIYA

CLEAN AIR ACT

CLEAN AIR MONTH

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LINIS HANGIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with