Ito ang binigyang-diin ng kilalang obstetrician-gynecologist na si Dr. Corcordia Martin Pascual na nagdiwang ng kanyang birthday kahapon. Isa sa malapit sa puso ko si Dr. Pascual na dating pangulo ng Philippine Medical Association. Siya ay madalas na maging guest doctor sa aming public service television program.
Ayon kay Dr. Pascual hindi dapat magdiyeta ang mga buntis sapagkat nababawasan ang mga nutrients na kailangan ng fetus sa kanyang development and growth. Dapat kumain nang maraming green leafy vegetables at sariwang prutas. Dapat ding kumain siya ng pagkaing mayaman sa vitamins and, minerals lalo na ang tinatawag na fiver foods. Dapat na iwasan ang pagkain ng matatamis gaya ng leche plan, fruitcakes at chocolates.
Ipinapayo ni Dr. Pascual na sumangguni sa mga OB-Gyne ang mga nagbubuntis tungkol sa kanilang proper diet.