^

PSN Opinyon

Kumain nang marahan para hindi kabagan

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
LAHAT tayo ay kinakabagan. Ang kabag ay tinatawag sa English na flatulence. Maaaring maalis ang kabag sa pamamagitan ng pagdighay o pag-utot. Kinakabagan tayo dahil sa pag-increased ng bacteria na nasa undigested carbohydrates at proteins. Pero ang kabag ay maaari ring maging sintomas ng iba pang kondisyon kagaya ng chronic constipation o chronic ulcer. May mga taong madaling magkaroon ng kabag at meron namang hindi.

Ilang mabuting paraan para maiwasan ang kabag ay ang mga sumusunod: Umiwas kumain ng heavy meals, kumain lamang nang marahan at huwag masyadong uminom ng mga soda drinks. Makatutulong din para hindi kabagan ang paglalagay ng herbs o spices sa pagkain. Ang mga ito ay makatutulong para madaling ma-digest ang pagkain gaya ng repolyo na karaniwang nagko-cause ng kabag. Sa pagluluto, kailangang fresh water ang gagamitin para ma-reduce ang indigestible sugars na dahilan din ng kabag. The use of high fiber foods such as bran to treat constipation and other digestive problems often causes a dramatic increase in wind (kabag). It is therefore a good idea to increase fiber intake by gradually introducing high fiber foods.

Ang pag-inom ng tea o tsa pagkatapos kumain ay makatutulong para maiwasan ang kabag. Ang tsa ay nakatutulong sa pagdigest ng pagkain. Ang peppermint tea naman ay nare-relax ang mga muscles sa colon at tumutulong para ma-relieve ang kabag.

FIBER

ILANG

KABAG

KINAKABAGAN

MAAARING

MAKATUTULONG

PARA

PERO

UMIWAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with