^

PSN Opinyon

Hustisya ang isinisigaw ng Monomer Sugar Central workers

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
DUMULOG kina President Arroyo, Interior Secretary Angelo Reyes at PNP chief Dir. Gen. Edgar Aglipay ang kinatawan ng aabot sa 400 workers ang nasarang Monomer Sugar Central sa Dumalag, Capiz para iparating ang kanilang hinaing laban sa mga tauhan ni Chief Supt. George Alino, ang director ng PNP sa Western Visayas. Nagkaisa ang mga workers na i-exhaust muna ang lahat ng efforts para magkaron ng hustisya ang kanilang ipinaglaban sa mga sangay ng ahensiya ng gobyerno. Kung sabagay, hindi magiging maganda ang patutunguhan ng kanilang pakikibaka kung sa mga komunista sila lalapit eh sila nga mismo ay nagtatago rin, di ba mga suki? Ang sulat ng mga workers ay natanggap ng opisina ni Aglipay noong Sept. 13, ang kay Secretary Reyes ay nang sumunod na araw samantalang ang kay President Arroyo ay tinanggap ng opisina ni Executive Secretary Eduardo Ermita noong Sept. 23. Sa ngayon, naghihintay na lamang ang mga workers ng mga aksiyon nina Arroyo, Reyes at Aglipay at handa na silang ipresinta ang mga dokumento nila para makuha na nila ang nararapat na sa kanila, he-he-he!

Magkakaroon din ng linaw ang kaso na ito ng mga workers sa susunod na mga araw. Sa kanilang sulat, ipinaliwanag ng mga workers kung paano pabagu-bago ang desisyon ni Alino ukol sa kanilang kaso. Inaamin nila na may paghahabol ang Philippine National Bank (PNP) sa mga ari-arian ng Monomer nga subalit nauna umanong inilabas ni Labor arbiter Danilo Acosta ang writ of execution kung saan nagsasaad na maari nilang ibenta ang mga kagamitan sa planta para mabayaran ang sick leave, retirement pay at back wages nila na aabot sa P26 milyon. Nabanggit sa naturang writ ang 17 departments at kagamitan ng sugar central na maaring ibenta ng mga workers sa mataas na bidder.

Lalong tumibay ang tsansa ng mga workers ng katigan kamakailan ng Court of Appeals 20th Division ang ipinaglaban nila. Kung ayaw ni Alino na tulungan sila, sana magising ng maaga sina President Arroyo, Sec. Reyes at PNP chief Aglipay para ma-convert nila sa pera ang mga kagamitan at ng may pangtustos naman sila sa pang-araw-araw na gastusin ng kani-kanilang pamilya. Ang dalangin nila sana ay may panggastos sila sa darating na Christmas bago abutin sila ng tag-gutom.

Kahit ang mga regional sheriff ay pumapayag na i-execute na ang order ng National Labor Relations Commission (NLRC) sa Iloilo pero hindi nila magagawa ito kung walang pulis na kasama dahil may 40 security guards na nagbabantay ng planta sa Dumalag.

Ayon sa mga workers may order umano ang pamunuan ng PNB na huwag papasukin kahit sino at kung may mangahas man ay paputukan na. Kasi nga ayon sa taga-PNB mga illegal ang NLRC at court decisions na hawak ng mga workers. Ano ba ’yan? Inaamin ng mga workers na nagsampa ang PNB ng kasong robbery sa Mambusao RTC laban sa tatlong sheriff na tumutulong sa kanila. Pero sa tingin nila harassment lang ang kaso para tumigil na rin ang mga sheriff sa pagtulong sa kanila. At sino pa ang mag-iimplement ng NLRC order kung wala ng pulis at sheriff na tutulong sa kanila? Tanong nila. Mahirap talaga magkaroon ng hustisya ang mga mahihirap sa bansa natin, anila!

AGLIPAY

ALINO

CHIEF SUPT

COURT OF APPEALS

DANILO ACOSTA

KUNG

NILA

PRESIDENT ARROYO

WORKERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with